DEIMOS "AHHHHHHH!" huling tunog na nabitawan ni Phobos sa kaniyang bibig bago ito nawalan ng malay. Hindi ko mapigilang mapatawa. Sa ika-anim naming round, hindi niya na kinaya. I won against him. Sabi niya, ako ang mahina sa aming dalawa pero pinatunayan ko iyon sa kanya. Siya iyong tumirik ang mga mata at nakatulog. Ang lakas pa ng hilik, mukhang pinagod ko. Tinitigan ko ang maganda niyang katawan. Hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa haba ng mga biyas niya. Parang isang modelo na nakikita ko sa mga fashion show. Ang sarap niya lang titigan. Tinakpan ko na ng kumot ang katawan niya at tinabihan siyang matulog. Niyakap ko siya nang mahigpit. "I love you. 'Wag kang magbabago. Sana ako hanggang dulo. Sana ako lang makikita ng mga mata mo. Ako lang dapat." Ipinikit ko na ang mga m

