Chapter 7

839 คำ
Panibagong araw na naman! Feeling ko dahil sa mg words of wisdom ni kuya sa akin kahapon may napagtanto naman ako kahit konti. Konti lang talaga. Sorry na! Alam ko sa sarili ko na marupok pa rin ako. Nandito na ako sa school ngayon at tahimik na naglalakad sa may hagdan ng bigla kong nakasalubong si Tyler. Babatiin ko sana siya ng bigla siyang may sinabi. "Stay away from me." cold niyang sabi sa akin tapos bigla na lang niya akong nilampasan. Anong nangyayari doon? "Irene! Nand'yan ka na pala!" bungad agad sa akin ni Fress. Dahil wala akong trip mangbara ay hindi ko na lang siya pinansin. "Irene," napatingin ako sa tumawag sa pangalan at pinagsisihan kong ginawa ko 'yon. Habang tinititigan ko siya feeling ko hindi ko magagawang magmove-on sa kanya. I just look at him with my oh-so-beautiful poker face. "Why?" cold kong tanong sa kanya. "Are you mad at me?" "Why would I? Is there something wrong, Mr.Malabanan?" seryosong tanong ko sa kanya. "Why are you acting like that?! Bakit ang cold mo? Iniiwasan mo ba ako?" naiinis na sigaw niya sa akin kaya napatawa ako ng mahina. A sarcastic laugh to be exact. "Eh ano ngayon? Dati nga hindi mo ko pinapansin then now simpleng cold act ko apektado ka." nakangising sabi ko sa kanya. "Of course! 'Cause you're my girl!" nawawalang pasensyang sabi nito sa akin. At dahil sa sinabi niya nagtinginan lahat ng kaklase namin sa amin. Tiningnan ko naman sila ng masama kaya dali-dali silang bumalik sa mga ginagawa nila. "I'm not your girl, Kaizer. Kung 'yong ibang babae nagiging girlfriend mo sa isang salita lang pwes ibahin mo ako." pagkasabi ko no'n ay lumabas na ako sa classroom. Bahala siya sa buhay niya! Nawalan na tuloy ako ng gana pumasok sa first class. "IC, is it true? Girlfriend ka ni Kaizer?" taning sa akin ni Fress nang sundan niya ako. Nandito kami sa field ng school at kanina pa ako tinatanong nitong si Fress kung totoo bang girlfriend ako ni Kaizer. "Hindi nga! Why so makulit ba?!" naiiritang tanong ko sa kanya. Nakakainis na kasi. Paulit-ulit na lang eh. "Eh ano 'yong sinabi niya? Tsaka dapat pumayag ka na mahal mo naman siya diba?" sabi nito sa akin bago ako inirapan. "Mahal ko nga. Mahal ba ako? Hindi diba. So, Shut up ka na lang!" naiiritang sagot ko sa kanya bago siya tinalikuran. "Hindi porket mahal ko siya magpapadalos-dalos na agad ako sa desisyon ko." dagdag ko pa bago siya tiningnan ng masama. "Woah! Nahahawa ka na ata kay Kuya Sain sa pagiging hugot boy-s***h-swaeg." hindi makapaniwalang sabi niya habang tumatawa. "Una sa lahat, girl ako kaya hindi ako magiging hugot boy. Pangalawa, ako swaeg? Sapak gusto mo!?" sabi ko sabay pakita ng kamao ko. "Ito naman! Joke lang." "Irene," Naputol ang pagtatalo namin ni Fress ng biglang may tumawag sa akin. "Kaizer?" "Can we talk?" mahinahong tanong nito sa akin kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Tiningnan ko naman si Fress para humingi ng tulong pero hindi manlang niya pinaalis si Kaizer at sa halip ay tinanguan pa ako ni Fress. I hate being with this guy! The nerve. Tumayo na ako at naglakad papunta sa likod ng school kung saan nandoon ang mini garden at kung saan una niya akong napansin. "Anong pag-uusapan natin?" tanong ko agad sa kanya. "I love you." walang-alinlangan niyang sagot. "W-What did you say?" nauutal na tanong ko sa kanya. Halata sa mukha ko ang labis ng gulat dahil sa narinig ko. "You hear me right? I said I love you." he said emphasizing the words I love you. So, tama nga ako ng naririnig? "W-Why? I mean how?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa mga binitawan niyang salita. "Do I need to answer that question? Hindi pa ba sapat 'yong kung anong meron ka para mahalin kita?" "Are you planning to hurt me?" tanong ko out of the blue. "Of course not!" mabilis na sagot nito sa akin. "You are making fun of me, right? Pinapaasa mo ba ako? Kung oo, matagal na akong umaasa kaya please tama na." seryosong sabi ko sa kanya. Ayoko na, siguro tama talaga si kuya. "Listen to me, okay? I'm not making fun of you. I'm serious. So, please let me court you?" seryosong sabi niya sa akin habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong pisngi. "S-Sige," Wala naman sigurong mawawala kung susugal ako diba? That's life. Hindi natin mararanasang manalo kung hindi tayo susugal. Pagkatapos naming mag-usap ay dumiretso na kami sa classroom at lahat ng mga mata ng kaklase namin ay nasa sa amin. Sanay ako sa ganito pero 'yong mga tingin nila ngayon nakakatakot. Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na sa upuan ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Fress. Saan na naman kaya nagsusuot 'yon? "B-Bakit ka d'yan nakaupo?" tanong ko kay Kaizer na umupo sa tabi ko na siyang assigned seat ni Tyler. "Kasama sa panliligaw ko ang pagiging possessive. Ayoko ng may nadikit sa'yo na ibang lalaki." dire-diretsong sabi niya. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. All this years na pang-istalk sa kanya napansin din niya ako. Napangiti na lang ako sa sarili kong iniisip. Sana magtuloy-tuloy na 'to.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม