--20.1- SHANIKA's POV Parang ayokong gisingin si Precious! Bukod sa mukha siyang mabait kapag tulog ay nakayakap ulit siya sa akin. Nung magising kasi ako nang madaling araw nakatalikod siya. Niyakap ko siya nun. E ngayon siya naman nakayakap sa akin. Sana ganito na lang palagi e. Yung phone ko nag-aalarm na. Hindi ko naman abot. Kapag gumalaw ako magigising si baby shorty. Nag-ring naman ngayon. God! Istorbo. Gumalaw si Precious. Tumunghay siya sa akin na namimikit pa ang mga mata. "Good morning baby..." "Anong oras na? Sino yang tumatawag?" Napaupo na siya. Niyakap niya yung unan. "Inaantok pa ako." Bigla siyang humiga. Umunan sa may tiyan ko. Oh My Gosh! Para siyang teddy bear! Haha. "Baby... Umayos ka ng higa." Hindi niya ako pinagkinggan. Nang magring ang phone ko saka siya

