Ilang minutong natahimik si Jowee. Nanatili itong nakatitig sa kaniya na para bang pinag-aaralan siya sa ilalim ng titig nito. Hindi siya nakaimik. Kumakabog ng mabilis ang puso niya. Kinakabahan siya sa titig ni Jowee. Umikhim siya para mawala sa isip ang kaba. "M-Magsalita ka naman," bulong niya. Napakurap si Jowee saka nag-iwas ng tingin. Muli nitong binaling ang tingin sa harap kaya mas lalong kumabog ang dibdib ni Estong. Ano na? Anong sagot nito? Nagustuhan ba nito ang sinabi niya? May nasabi ba siyang mali? May nasabi ba siyang hindi maganda? "Jowee," tawag niya. "Let me think." Doon siya natahimik. Tumingin na rin siya sa harap at naghintay ng sasabihin ni Jowee. Sana ay hindi ito nagalit. Sana ay may nararamdaman din ito sa kaniya. At sana, maging sila... Natigilan siya nan

