Chapter 6
9am ay nakarating na kame sa Tektite Building sa Ortigas para ilipat ang mga gamit namin sa bago naming magiging office.
Pagdating sa mezzanine ay inabangan kame ni secretary Mia para ihatid sa 9th floor merong apat na office at lahat ng iyon ay mga purong salamin tanging blind curtains at indoor plants ang makikitang design sa loob at napaka aliwas ng lugar.
Pag dating sa office ay namangha naman kami sa sobrang laki at meron pa itong mini kitchen living area at apat na table at isang studio corner para sa mga manequine at mga dalawang malaking closet at mga divider para sa mga tela at ibang accessories.
Ilang sandali pa ay nag paalam nadin sa amin si secretary Mia upang bumalik sa 11floor (VIP floor)
pero bago pa iyon ay binilin niya sa amin na nasa 5floor ang Food Arcade(Cafeteria).
10:30-11:30 ang lunch time schedule ng floor namin..(Yes po naka schedule po ang bawat floor sa oras ng (lunch)para hindi siksikan, dahil ang 11:45 at 12:15 ay oras para sa mga VIP lang at hindi nag papasok ang arcade ng kahit sino,dahil isa iyon sa mahigpit na patakaran ni Sir Arcel.
Dahil sa sobrang busy namin sa pag aayos at pagliligpit ay sa office na kame kumain ng lunch,Ala singko nang matapos kame at pinayagan na din kame ni secretary Mia na umuwi na.
Si Camilla Roque (secretary Mia) ay pitong taon ng nagttrabaho sa Golden Entertaiment nasa canada palang si Arcel ay nagsisilbi na ito bilang shift leader sa pearl department at ginawang secretary ni Arcel ng ito na ang nagpatakbo at humawak sa kompanya..
Bukod sa marami na itong alam sa gawain sa kompanya ay kilala nadin halos lahat nito ang mga business partner ng kompanya isa sabagay na nagustuhan ni Arcel dito dahil ayaw nito sa lahat ay puro tanong at mabagal kumilos kaya halos walang nagtatagal sa mga nagiging secretary nito.