47

856 คำ
Chapter 47 Inabot niya saken ang cellphone ko pero dipa din naalis ang pagkadisgusto sa mukha nito at nang makita ko namang si Jerson ang tumatawag ay napangiti ako at mabilis kong sinagot ang tawag nito. Tumawag ito para makipag kita sa akin dahil gusto daw akong ilibot ni kuya sa compound ng gawaan ng furniture ni daddy. Pumayag naman akong makipag kita pero diko pa sinabi kung anong oras dahil diko din alam kung papayagan na akong umalis ni Prince. Pag katapos naming mag usap binalingan ko naman ng tingin si Sir para sana mag paalam kaso ng makita ko ang mukha nito ay namumula at masamang titig ang binato saken at nakataas pa ang isang kilay. Who's Jerson?He is the manager at food arcade right? Napaisip naman ako kung saan at paano niyang nalaman. I saw you with him at the elevetor Ibig sabihin pala nakita niya kame noon na magkasama. Ahhhhh yes, Maikling sagot ko sakanya. He is your boyfriend? Dugtong pang tanong nito. "Hah!? Hindi ahh hindi ko siya boyfriend he is my bestfriend. Mabilis kung pag tangi sakanya, Good! So ano pinag usapan niyong dalawa? Tanong muli nito habang deretchong naka tingin sa mata ko at naka ekis ang mga braso sa dibdib nito. Ahmm gusto niya sana na magkita kaming dalawa ngayon dahil may importante lang daw siyang ipapakita sa akin. Pwede na ba akong umuwi para sana hindi ako gabihin ? Hindi pwede kung hindi ako kasama. Mabilis namang sagot nito sabay harap sa computer niya. Pero marami ka pang gagawin dito sa office mo. Hindi ba ito nag sasawang makita tong mukha ko maghapon nakong nandito?Tanong ko sa isip ko. ******* Buti na lang at pumayag si Prince na makaalis nako ,kaya't bumaba nadin ako upang puntahan si Jerson sa opisina niya, alas tress na ng hapon at dumiretco kami sa Las,Pinas sa compound ng pagawaan ng mga furniture ni Dad. Pag baba ko ng kotse ay napansin ko agad ang isang mataas na gate at meron din guard house sa gilid non. Magandang Hapon Sir at sainyo din po Maam,Ano po ang sadya nila?, Magalang na salubong samin ng guwardya ng compound. Ilang sandali pa ay dumating na si kuya Dexter at masaya kaming sinalubong ni Jerson at inayang pumasok sa loob ng planta. Pag pasok sa loob ay nakita kong marami trabahador ang nandoon at pansin ko rin na may edad na ang ilan sakanila at nalaman ko din kay kuya Dexter na halos ang lahat na nanduon ay matatagal na at tapat sa aking ama. Pag katapos naming libutin ang bawat parte ng planta ay pinatawag niya halos lahat ng empleyado at dinala niya ako sa harap kasama niya Everyone gusto ko lang ipaalam sainyong lahat isang buwan na lang ay ika 18 anibersaryo ng ating kompanya kaya nais ko sana ay dumalo kayong lahat para sama-sama nating i celebrate ang importanteng araw na yun. Dahil may importante din akong i announce sa araw na iyon kaya inaasahan ko ang inyong pag dalo. Pag katapos magsalita ni kuya Dexter ay masayang nagsigawan at nag palakpakan ang mga taong nanduon. Ramdam ko ding maganda ang pakikisama niya sa mga empleyado na nagttrabaho sakanya. Huli naming pinuntahan nila kuya Dexter ay ang opisina ni Daddy pag pasok ko doon ay una kung nakita ang family picture namin at katabi noon ay picture naming dalawa nung bata pa ako. Tila kinurot naman ang puso ko ng hinawakan ko ang frame na may picture naming tatlo ang saya saya namin doon,bigla nalang gumuhit sa isip ko ang ginawang pagtataksil at pag iwan ni mommy sakanya. Sa kabila ng pag iwan ni mommy kay dad ay tinabi parin ni dad ang picture na iyon kasama si mommy samantalang si mommy ay sinunog lahat ng picture na meron siya na kasama si daday at hindi lang iyon buhay pa si daddy ay nagawa niya ng sumama sa iba at bumuo ng bago niyang pamilya. Napakuyom nalang ang palad ko habang tumutulo ang mga luha ko ramdam ko rin ang mabilis na t***k ng puso ko at panginginig ng buong katawan ko. Naramdaman ko nalang ang mainit na yakap sakin ni kuya Dexter mula sa aking likuran nang oras na iyon ay diko na napigilan ang pag iyak at napayakap na lang ako kay kuya Dexter. Galit ako sakanya! Galit ako kay mommy! Ang sama sama niya kay dad! Everything will be alright Sabby kaya please take the business of your dad this is yours wala akong karapatan dito dahil pinaghirapan ni tito Romualdo to para sa nag iisa niyang anak at ikaw yun Sabby. Muli ay narinig kuna naman ang pangalan na tinatawag sa akin ni Dad nung bata pa ako..lalo ko lang siyang na miss.. Alam mo namang medisina ang linya ko pero dahil diko matangihan si tito ay pumayag akong hawakan muna ito habang nakikipag laban siya sa sakit niya. Lahat ng nakikita mo rito at lahat ng mahahawakan mo ay saiyo siguro naman sapat na ang labing limang taon mong pag susumikap sa buhay napatunayan muna sa lahat at sa sarili mo ang galing at talino mo. ******
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม