15

813 คำ
Chapter 15 Bumalik ako sa loob para hanapin sana si Sir pero bigo akong makita to sa dami ng tao sa loob. Ilang sandali pa ay nag salita na ang isang lalaki at pina kilala niya ang mag asawang may ari ng RAFFA Jewelries at biglang nag dilim ang paligid at tanging na sakanila lamang ang spotlight at biglang nag palakpakan ang mga tao. Pag akyat ng mag asawa sa stage ay bigla nalang akong napatitig sa babaeng kasama ng matandang lalake sa tabi nito kasama ang tatlo nilang anak. Hindi ako maaring mag kamali sa nakikita ko kahit matagal kaming di nagkita kilalang kilala ko parin ang bawat parte ng mukha niya diko napansin na nag uunahan ng tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Mommy? Yung lang ang nasambit ko at diko na napigilan ang sarili kung mapa hagugol ng tahimik habang nakatitig sakanya. Sa sobrang gulat at sakit ng nararamdaman ko hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako palabas ng Function Hall at nag tuloy tuloy ako sa garden at doon ko binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ilang minuto pa ay nag ring ang cellphone ko kahit umiiyak ako ay sinagot ko parin ito ng makita kong si Sir ang tumatawag.. H-Heelo b-baakit p-po? Utal utal kong sagot habang panay pahid ko sa mga luha ko. Where are you? Nagsisimula na ang party nasaan kana ba! Pasigaw na sabi nito sa kabilang linya. Wag niyo na po akong hintayin hindi na ako babalik sa loob sumama po kasi yung pakiramdam ko at mauuna na akong umuwi sa inyo pasensya napo. Mahinang paliwanag ko sakanya habang tuloy padin ako sa pag iyak. Wait what's happened? Umiiyak kaba? Nasaan ka pupuntahan kita! Tanong nito sa akin pero hindi ko na sinagot at pinatayan ko na din siya ng tawag. Pag katapos non ay lumabas na din ako at pag dating sa entrance ay inalalayan pa ako ng mga guard at nakisuyo akong tumawag ng taxi at mabilis naman silang nakakuha kaya't umalis nadin ako agad doon at dina nag tagal. Habang nasa byahe ay diko parin nakalimutan ang mga nakita ko.Napakuyom ang palad ko ng pumasok sa isip ko ang mukha ni mommy na masayang ngumingiti sa harap ng maraming tao at parang di niya man lang na alala ang ginawa niyang pag abandona sa anak niya sa loob ng labing limang taon. ******* Pag dating sa bahay ay dumeretcho ako kwarto ko kinuha ko lahat ng medals at mga certificate na natanggap ko nung nag aaral pa ako at nilukot at binato ko iyon sa sobrang galit ko. Lah bakit di niyo sinabi sakin na may bago ng pamilya si mommy(Sabi ko sa sarili ko habang patuloy sa pag iyak) Bakit po hindi niyo sinabi sakin na wala naman akong hinihintay na nanay na dadating! Sabi niyo sa akin mag aral akong mabuti para ipag malaki niya ako pag pabalik niya! Lah ginawa ko naman po lahat ng sinabi niyo kaso kahit sa araw ng graduation ko wala akong nakitang nanay na tuwang tuwa sa mga achievements na natanggap ko! Sana sinabi niyo nalang sa akin na wala nakong nanay para hinanap ko si daddy at nakasama ko bago siya namatay! Lah wala na si dad bakit pati si mommy parang mawawala na din sakin! Napayakap na lang sa unan ng sobrang higpit at dina pa nakapag salita. Nasa kama nako at naka higa pero dipa din humihinto ang luha ko sa pag patak,hanggang sa diko namalayan na niyakap na din ako ng antok. ****** Arcel POV Ilang minuto after mag paalam ni Sabrina na mag pupunta ng restroom ay tumayo nako sa mesa para sundan ito habang nag lalakad ay nakita ko itong nililibot ang paningin sa buong paligid ng hall pupuntahan ko sana ito pero bago pako makalapit sakanya ay may humatak sa kamay ko. Nagulat ako ng makita ko si Sydney sa party kaya sumunod ako sa kanya at nakipag usap galit ito saken at pilit akong tinatanong kung anong relasyon namin ni Sabrina pero pinaliwanag ko na sakanya ang lahat pero ayaw nitong maniwala. Nagulat ako ng biglang dumating si Sabrina lalong sumama ang tingin saken ni Sydney at biglang umalis sa galit ko ay si Sabrina ang na pagbalingan ko. Nang magsimula ang party ay diko na nakita si Sabrina sa loob kaya nag alala ako at tinawagan to pero nagulat na lang ako ng marinig ko ang boses nito na parang umiiyak kaya tinanong ko kung nasaan siya para puntahan ko pero pinatay niya na ang tawag ko i feel guilty that time iniisip kong baka dinamdam niya masyado ang sinabi ko sakanya. Pero satingin ko ay okay lang yun dahil sakanya nagalit sakin si Sydney kung hindi nakita ni Sydney na kasama ko ay hindi naman iyon magagalit ng sobra,yung magalit siya at iwasan niya ako yun ayaw kong mangyari.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม