26

439 คำ
Lumabas ako ng building dahil hindi ko na kinakayang makita ang sitwasyon ni lola,ang sakit isip na wala akong magawa para maipa opera siya agad. Si lola nalang ang meron ako ngayon ayoko naman na pati sya mawawala pa sa akin,Paulit ulit na bulong ko sa sarili ko habang panay punas sa mga mata ko. Pabalik na sana ako sa loob ng hospital ng biglang may nagsalita sa likuran ko at kilala ko ang nag mamay-ari ng tinig na iyon. I will help you in one condition,mag papakasal ka sa akin, Seryosong sabi nito habang naka pamulsa, at tila natigilan naman ako ng tingnan ko ang mukha nito na walang ka emo-emosyon. Pag isipan mo ang offer ko saiyo Sabrina, isipan mo na lang ang buhay ng lola mo,siguro naman hindi mo hahayaang makita syang nahihirapan. Ako na ang bahala sa pag papagamot sakanya at ikukuha ko siya ng magaling na doktor,pero kapalit noon kailangan mokong pakasalan. Teka Sir bakit ko naman gagawin iyon?bakit kailangan pa nating mag pakasal? At bakit naman gusto niyong mag pakasal tayo?Sir magttrabaho nalang po ako sainyo pwede niyo ho akong gawing secretary oh assistant niyo kaya kupong hatiin ang oras ko sa trabaho at sa pagttrabaho ko sainyo,hanggang sa mabayaran ko kayo. Oo o hindi lang ang sagot na kailangan ko kayat pag isipan mung mabuti,tawagan mo nalang ako pag nakapag desisyon kana, Wala man lang sinagot ni isa sa mga tanong ko at pagkatapos non ay tinalikuran na ako umalis. ***** Nag lakad lakad muna ako sa labas ng palibot ng hospital at mula sa kinatatayuan ko ay tiningala ko ang kwarto kung nasaan ngayon si lola,naramdaman ko na naman ang mga luha ko na nag uunahan sa pag bagsak. lola,gagawin kupo lahat para maging okay kayo, ayokong makita nahihirapan ka,kaya please lang po lumaban kayo at wag kayong susuko,gagaling po kayo at makaka-uwi din tayo..wag niyo po akong iiwan hindi ko kaya... Nakita ko nalang ang sarili kung naka upo sa upuang bato habang umiiyak. Ilang minuto ay nag pasya na akong bumalik sa taas para bantayan si lola,mag aalas dos na ng madaling araw at wala padin akong maayos na tulog mula kahapon.Sabagay hindi ko rin naman kayang matulog ng maayos sa kalagayan ni lola ngayon . Pag balik ko sa ward ay nakita kung mahimbing na natutulog si lola,mas mabuti na yon dahil siguradong mag aalala lang iyon pag nakitang maga na naman ang mata ko dahil sa pag iyak..hinawakan ko ang kamay nito at hinalikan sa nuo pag katapos ay kumuha ako ng upuan para tumabi sakanya .. Ilang sandali pa ay tuluyan na akong binalot ng antok.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม