Pagkatapos malagasan ng ilang libo si Lexus, saka pa lang natapos sa pag-order ang banyagang lalaki. Kinailangan pa itong lasingin ng magkakaibigan para lang mas maging komportable pa ito sa kanila. Ayon dito sa susunod pa araw pa magkakaroon ng auction. At wala naman silang choice kung hindi ang hintayin ang araw na iyon. "Kung kilala natin personally ang lalaking 'yun, iisipin ko na gusto niya lang tayong maisahan eh," nakahalukipkip na anas ni Laurize. Iyon din ang iniisip ni Onxy kaya naman napakagat-labi na lang ang dalaga. "Wala ka bang ibang paraan para malaman kung totoo 'yun?" Napalingon si Onyx kay Laurize. Nakakunot ang noo nito at hindi maipinta ang magandang mukha. "I can't ask my brother. Sasapakin ako ng taong 'yun kapag nalaman niyang nagpupunta ako sa ganoong lug

