Chapter 22 UNTI-UNTI kong nilapag ang aking dalang kahon sa kama. Nasa loob no'n ang damit na susuotin ko sa graduation day. Ilang araw na lamang at graduate na ako. Parang kailan lang nasa elementary days palang ako. Ngayon graduating na ako ng college. Mag-t-trabaho na, ka'y bilis ng panahon. Parang isang iglap lang dumaan ang oras sa harapan. Huminga ako nang malalim saka tumungo sa bintana na slide glass sa aking silid. Tinanaw ang papalubog na araw sa kanluran. Pinagmasdan ang sikat no'n habang unti-unting lumulubog upang pumalit ang buwang maliwanag. Dininig ang ingay ng mga sasakyan sa ibaba ng gusaling aking kinatatayuan. Mga taong naglalakad paroo't parito. Parang walang tamang daan na pupuntahan. Halos lahat naghahabol ng kani-kanilang oras, makauwi lang sa kanilang sariling

