Chapter 24 HALOS kalahating oras na kaming nagbibiyahe papunta sa lugar na pupuntahan namin ni Georgia. Lagpas na kami sa Nestle Village at palabas na kami ng bayan. “Saan ba talaga kayong dalawa ni Georgia, pupunta miss beautiful? Bakit yata palabas na tayo ng bayan?” Napabaling ang aking tingin kay Nido nang magsalita siya at tanungin ako tungkol sa pupuntahan namin ni Georgia. “Hindi ko alam, mister handsome. Basta ang sabi ni Georgia sa akin may pupuntahan daw kami, hindi niya sa akin sinabi kung saan,” matapat kong sagot kay Nido. Tumango siya at hindi na nagtanong pa. Nanatili na lamang siya sa pagmamaneho. Bumaba kami ng kotse nang bumaba rin si Georgia sa kotse nito. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at parang gusto kong maiyak nang makita ang mga tao sa loo

