Umatras si Kody para huwag sumali sa laro, pero hinila siya papunta sa unahan ni Samantha para sumali. “Sure ka? Inuman yan!” pigil nito sa babae. “Game ako diyan, ako pa!” may confident na sagot ng dalaga. “Okay,” wala nalang nagawa ito kaya isa sila sa mga apat na magkakapareha na kasali. Ilang sandali pa ay ipinaliwanag ng emcee ang procedure ng games. “May mga cards tayo dito sa aking harapan,” ipinakita nito ang makapal na tila baraha sa harapan nito. “Ako ang magdadraw ng card... Isang partner bawat challenges... Its either you do the challenge or inumin nyo ang alak na ibibigay namin sa inyo,” paliwanag nito habang inililibot ang paningin sa mga bisitang nasa harapan. Sumang-ayon ang apat na magkakapareha. Nagsihiyawan naman ang iba pang nasa paligid lang. Nagsimula

