Lanie's Pov: Gapang, lakad, takbo ang ginawa ko para sundin ang kaibigan. Gusto ko mang balikan ang mga kasama ko ay alam kong makakabigat lang ako sa kanila. Hinihingal na napatingin ako sa harapan ko. Hindi ko na alam kung anong direksyon ang tinakbuhan ko. Basta ang alam ko, kailangan kong makalayo dito. I am in pain, inuubo at pakiramdam ko ay hindi pa nawawala ang panginginig ng bawat kalamnan ko sa naranasang lamig, bukod pa sa hinang-hina na talaga ang katawan ko sa mga nangyari. Nakakainis lang na ngayon pa nagpaparamdam ang mga ito at sabay-sabay pa talaga! Nahahapong inilibot ko ang aking paningin, madilim pa din dahil gabi pero kahit paano ay maliwanag ang abandonadong gusaling kinalalagyan namin. Hindi ko na alam kung saang parte ng Hespheria ang lugar na ito o kung na

