Lanie's Pov: "Nabalitaan mo na ba?" Napaharap na lang ako kay Rona. Naghahanda kami ngayon sa pagpasok at kaming dalawa na lang ang natira dito sa dorm room namin, nauna na kasing umalis sina Jasleene dahil may biglaang meeting ang department nila para sa festival. "Dumating na kahapon ang mga exchange students." Sabi n'ya. "Nakakaloko lang dahil kasama sa kanila sina Rhosean at Roleen, pati si Page. Hinahanap ka nga nila pero hindi ko alam kung nasaan ka. Teka, nagkita na ba kayo ni Page?" Sunod-sunod na sabi n'ya. Pinili kong magkunwaring abala. "Talaga? Kasama sila. Wala pa akong nakikita kahit isa sa kanila." Pagsisinungaling ko pa. Hindi ko gustong mag-alala s'ya kapag nalaman n'yang may hindi kami pagkakaunawaan ni Page. Bukas sa lahat ng miyembro ng DWD's ang pagiging malapit

