HAJIE: PASADO alassais na ng hapon nang bumalik kami sa bahay. Pinanood pa kasi namin ang paglubog ng araw sa resort bago kami umuwi. Mabuti na lang at walang nakahalata sa amin kanina ni JM na nawala kami. Hindi na kami tinanong nila Harry kaya hindi nalaman nila ang nanay ang tungkol doon. Tiyak kasing magdududa sila nanay sa amin at ayoko namang isipin nilang malandi ang girlfriend ko. "Kuya, ako na d'yan. Nangako ako kay Ate JM na patitikman ko siya ng luto ko e. Alam mo na, baka sakaling pumasa ako sa panlasa niya at makapagtrabaho din ako sa resort niya pagdating ng araw." Wika ni Harry sa akin na akmang magluluto ng hapunan namin. Nasa sala kasi sila nanay. Alam kong napagod sila kaya ako na ang nagpresintang magluto. Kakulitan naman ng mga kapatid ko si JM. Umuwi na rin si Kar

