HAJIE:
DUMATING ang friday night, iyon ang araw na may shower party kaming dadaluhan nila Red na kasamahan ko sa trabaho. Sa aming lima, ako ang pinakabata at tanging nag-aaral. Ang kaibahan ko lang sa kanila, sila sarili lang nila ang inaalala at binubuhay. Kaya malaya sila at hindi inaalala ang bukas. Hindi katulad ko na may matayog na pangarap sa buhay.
"Ano, pare, okay ka lang ba? Kaya mo?" tanong ni Troy sa akin.
Tumango ako kahit kabado. Nandito na kami sa hotel at ayoko namang sayangin ang fifty thousand na naghihintay sa akin ngayon! Sasayaw lang naman kami. Bahala na.
"Kailangan ba talagang topless tayo? Naiilang ako e." Wika ko.
Natawa pa ang mga ito. "Naman, pare. Paano sila matutuwa at masisiyahan sa performance natin kung balot na balot tayo, 'di ba?" tugon sa akin ni Troy.
Napailing ako. Trunks lang kasi ang suot namin. Maganda rin naman ang pangangatawan ko at matangkad ako pero-- hindi lang talaga ako sanay at naiilang ako na gan'to ang itsura tas sasayaw pa! Akala ko ay madali lang ito pero. . . patibayan ng sikmura at pakapalan din pala ito ng mukha!
"Hwag kang mag-alala, pare. Heto, isuot mo kasi ikaw naman ang huling lalabas sa box e. Kumbaga, ikaw ang main dish sa plato, appetizer lang kami." Natatawang saad ni Arjo na iniabot ang isang maskara sa akin.
"Nakakakaba naman 'tong gawin," reklamo ko.
Nagtawanan naman ang mga ito. "Ano ka ba, Hajie, ang gwapo at ganda nga ng katawan mo e. Hwag kang kabahan, matatakam ang mga babae doon sa'yo at malay mo, matipuhan ka pa at bigyan ng malaking tip, 'di ba? Kaya galingan mo sa paggiling mamaya," pagpapalakas loob pa sa akin ni Red na sinang-ayunan ng mga kasama namin.
Naiiling akong napatitig sa maskara na isusuot ko. Mas pabor nga sa akin na may maskara ako. Atlis, nakalantad man ang katawan ko, pero hindi naman nila makikita ang mukha ko.
"Tara na, pare. Pumasok ka na sa kahon," wika ni Henry sa akin.
Napabuga ako ng hangin. Nasa kabilang silid na kasi ang mga costumer namin. Tiyak na naghihintay na sila sa mga macho dancer na binayaran nilang sasayaw para sa kanila ngayong gabi. Sa isip-isip ko, mga tigang na tita's na ang mga costumer namin.
Habang nasa loob ako ng kahon, itinulak naman na ito ng mga kasama ko. Isinuot ko ang maskara na natatakpan ang kalahati sa mukha ko. Nakasuot pa ako ng security guard uniform bilang prompts ko na isa-isahin ko ring hubarin mamaya habang sumasayaw ako na inaakit sila, lalo na ang bride to be.
Napabuga ako ng hangin matapos maisuot ang maskara at alam kong pumasok na kami sa silid. Naririnig ko na kasi ang tugtugan at ang hiyawan ng mga babae. Napapikit ako na ilang beses humingang malalim. Kailangan ko itong galingan para sa susunod na may gan'to ulit silang malaking raket, makakasama ulit ako sa kanila.
Lalong naghiyawan ang mga babae at dinig kong nagpalit na sila ng sexy music. Gusto ko na ngang sumilip at nagtitilian ang mga babae sa harapan namin pero hinintay ko ang hudyat sa akin. Ilang segundo pa, kumatok na si Red sa kahon.
"Pare, humanda ka na ha? Dapat nakatalikod ka muna ha? Hwag kang magkakamali," wika nito.
Dahan-dahan nilang binuksan ang kahon na kinaroroonan ko. Lalo namang naghiyawan ang mga babae. Dim light red ang ilaw dito sa silid kaya kahit paano, nakahinga ako nang maluwag. Dahil hindi nila basta-basta makikita ang mukha ko kahit mag-alis ako ng maskara mamaya.
Nakatalikod pa lang ako sa kanila, nagtitilian na ang mga ito kaya lalo akong kinakabahan! Baka kasi mamaya ay hindi nila magustuhan ang gagawin ko. Magaling sumayaw ng macho dance ang mga kasama ko. Habang ako, waiter at dishwasher lang naman ako sa bar namin. Napapanood ko na silang sumayaw ng gano'n at nag-practice din naman kami pero kabado pa rin ako.
HABANG sumasayaw ng macho dance, isa-isa kong kinakalas ang mga butones ng uniform ko. Nasa likuran ko lang naman ang mga kasama ko na nagsilbing back up dancer ko. Kaya naman pala lima kami dahil limang babae ang naririto at ang ikinagulat ko, ang babata pa nila at pawang magaganda at sexy silang lima!
Hanggang sa makalas ko na lahat ng butones ng uniform ko. Napapahiyaw pa ang mga kaharap namin at naghahampasan sa kilig at tuwa. Pero kung ang apat ay kilig na kilig at nage-enjoy sa pinapanood, kabaliktaran naman ang isa.
Kanina ko pa napansin na nakaupo lang siya sa sofa. Pinagigitnaan siya ng apat niyang mga kasama at wala manlang reaction. Mabuti na lang, hindi ito ang bride to be. May hawak siyang bote ng alak at panaka-naka na tinutungga iyon. Hindi ko alam pero-- kanina pa namamagmet ang paningin ko sa kanya. Ang bride to be pa naman ang lalapitan ko mamaya na sasayawan pero. . . hindi ko maalis-alis ang paningin sa isa sa kasamahan nila. Ito pa naman. . . ang pinakamaganda sa kanilang lima!
Lalong naghiyawan ang mga kasama nito nang tanging trunks na lang ang naiwan sa akin. Mabuti na lang, hindi naninigas ang katawan ko sa kaba ko, idagdag pa ang aircon dito sa silid. Nakakasabay ako sa mga kasama ko at hindi naliligaw ang mga step ko sa kanila.
"Lapitan mo na 'yong bride to be, pare." Pabulong saad ni Red sa akin.
Nakilala ko naman kaagad kung sino ang bride sa kanila. May sash kasi itong suot na nakasulat doon ang 'bride to be' kaya madali mo lang siyang mahanap sa kanilang lima. Habang papalapit ako sa gawi ng mga ito. Tinutukso na nila ang bride na tatawa-tawa at nakamata sa akin. Maliban sa isa na naka-pokerface lang at walang emosyong nakamata sa akin.
Napalunok ako nang nasa harapan na nila ako at mas natitigan sila sa malapitan. Hindi nga ako nagkamali. Napakaganda niya kahit walang kangiti-ngiti sa mga labi. Napansin din ng mga kasama niya na sa kanya ako nakamata kaya napasinghap ang mga ito at tinukso ang kaibigan.
"JM, you're the queen," panabay na tukso ng mga kasama ditong napailing at taas ng kilay na sinalubong ang mga mata ko.
"I'm not the bride, baby boy. But if you want me to take you? You have to remove your mask in front us. Deal?" aniya na napakasarap sa tainga ang lambing at accent ng boses nito!
Napalunok ako. Parang may sariling pag-iisip ang kamay ko na umangat at hinawakan ang mask habang ang isang kamay ay hawak ang tali sa batok ko. Napalunok ito sa ginawa ko. Maging ang mga kasama ay nakamata sa akin at bakas ang kasabikan.
"s**t, gwapo naman ako. Bahala na," usal ko sa isipan.
Dahan-dahan kong hinila ang tali kaya unti-unti iyong nakalas sa pagkakatali. Napasinghap pa ang mga kasama nito. Walang kakurap-kurap na nakatingala sa akin. Dahan-dahan kong ibinaba ang maskara ko na ikinaawang bahagya ng labi niya.
"Oh no! JM, he's mine, 'di ba?" bulalas ng bride na makita nila ang mukha ko.
Ngumisi naman ito na bumaling sa bride. "Ask him, bestie. Mukhang. . . sa akin niya gustong sumama tonight," tugon nito sa bride na napabusangot at kumawala ang nagrereklamong ungol.
"C'mon, JM, I'm the bride to be." Reklamo pa ng bride dito.
Bumaling ulit sila sa akin na ikinalunok ko at nagsalubong ang mga mata namin ng dalagang tinawag nilang. . . JM.
"Pagbigyan mo na, bestie. Si JM 'yan," pag-aalo ng iba sa bride na napailing na nakamata sa akin.
"Fine. Kung sabagay, I'm getting married na rin naman. Nice to meet you, baby boy. Bet kita pero-- mukhang bet ka nitong best friend ko," nakangiting wika ng bride to be sa akin na marahang siniko ang katabing nagngangalang JM.
Ngumiti ako na ikinasinghap pa ng mga ito at lumamlam ang mga mata.
"Gosh, he looks so hot and innocent with those eyes and smile," bulalas pa ng isa sa kanila na sinang-ayunan ng tatlo.
Tumayo na ang tinawag nilang JM. Napahagod ng tingin sa kabuoan ko. Napalunok ako nang masalubong ang mga mata namin at mas natitigan na ito sa malapitan ngayong nakatayo na siya! Hindi ko tuloy mapigilang bumilis ang t***k ng puso. Hindi ko alam kung dahil sa kaba. . . o may iba pang dahilan!
"Let's go. I need to breath some fresh air outside." Aniya.
"H-ha? L-let's go?" pabulong wika ko na hinabol ito. "Bakit let's go, ma'am? Sasama ako sa'yo? Wala naman 'to sa usapan a."
Iniabot naman sa akin ni Troy ang damit ko kanina na security guard uniform at napakindat pa. Nilapitan na nila ang apat na kasama nitong si Ma'am JM. Lumingon ito sa akin na napataas ng kilay. Napalunok ako na napangiwi at hindi matagalan ang mga titig niya.
"I thought you're accepting extra service, hmm? Don't worry, baby boy, I will pay you for tonight," aniya.
Hindi ako nakaimik. Nagbihis ako habang nakamata ito sa akin. Matapos kong maayos ang sarili, napahawi pa ako sa buhok ko. Ngumisi pa ito na napahagod ng tingin sa kabuoan ko.
"Tara po?" tanong ko dito na mahinang natawa.
"Ba't ka pa nagbihis? Huhubarin ko rin naman 'yan mamaya. Pinahirapan mo pa ako." Anitong ikinalaglag ng panga ko.
"H-ha?"