Ginalit.... "Chaese, sorry na... Hindi naman ganon yun e. Natapilok siya, sinalo ko lang," nadinig kong paliwanag niya habang sinusundan ako. Naglalakad na ko ulit papunta sa bahay bitbit ang mga hugasin. Katatapos lang naming kumain at simula kanina ay walang ginawa si Chase kung hindi magpaliwanag sa kung ano ang nakita ko. "Chaese naman e... Pansinin mo naman ako. Magtatantrums ako dito, sige ka!" Napahinga ako ng malalim bago siya muling hinarap. Huminto kami pareho at kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. "Okay nga lang sabi ko diba?" isang ngiti ang kumawala sa aking labi. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o mapipikon. Sa totoo lang, medyo nasaktan ako kanina. Ang makita siyang may kasamang babae ay naghatid ng kirot sa aking puso. Lalo pa ang makita

