Ang tigas.... "Aray! Lintik ka Ulap, masakit!" Napangiwi ako ng madinig ang malakas na sigaw ni Julio habang dagan dagan siya si Ulap. "Julio punyeta, masisira yung tent! Umalis nga kayo ni Ulap dito! May mapapatay talaga ko ngayon e," Napalingon ako kay Mattee nang madinig ko siyang tumawa. Hawak hawak niya ang kanyang camera habang panay ang kuha ng larawan sa mga lalaki. "Do you think it's a good idea to let Ice, Julio and Ulap build their tent?" bulong sakin ni Xantha habang inaayos namin ang mga gamit na aming dala sa lamesa. Nasa loob kami ng isang cottage at mula dito ay kitang kita namin kung paano magkagulo ang magpipinsan. Si Chase ay tinutulungan si Grey habang si Aedree naman ay katulong ang kapatid na si Lexo. Lahat sila ay binubuo ang mga baon naming tent. Sa di k

