♞♟♜♚ Nagkakagulo ang karamihan sa loob ng VS game developer company na pinagtatrabahuhan ni Reo dahil sa kumosyon na sumiklab sa launch date ng game na Zero to Hero, isa sa mga programmer nila ang nakapansin ng kakaibang problema sa system ng laro at na pag-alaman nila na ninakaw ang program na dapat ay lalaruin ng marami. "Wag niyong papakialaman o tatanggalin ang head gear nila kung ayaw niyong ma-comatose sila habang-buhay! Ari! Tumawag ka ng mga professional doctors at 'yung game engineer natin anong balita?" tanong ni Mr. Sy sa natataranta niyang secretary na hindi mabitawan ang kaniyang phone kakasagot ng tawag mula sa media. "Ginagawa na ng mga engineer natin ang makakaya nila kaso Mr. Sy, ang problema ay wala sa game na ila-launch natin kung hindi sa mismong program na ginawa n

