♞♟♜♚ Umaga na nang makalabas ang dalawa sa Imp's cave sa level one stage ng game, parehong pagod na pagod at halos gumapang na palabas. Hindi makapaniwala si Reo na mapapasabak pa uli siya bilang support player dahil kay RU na ayaw magpatalo sa kaniya. "Sabi ko naman sa 'yo ay maabutan kita sa level hehe," biro sa kaniya ng dalaga habang sinisiko-siko pa siya ninto at nang tignan niya ang screen na nasa harapan niya ay nakita niyang nag level up pa siya ng dalawa at ngayon ay level seven na. "Buti na lang at hindi tayo napahamak, sobra akong nataranta nung makita ko 'yung itsura ng monsters sa loob. Grabe ang realistic naman kasi ng graphic para tuloy kaharap ko talaga sila," daldal ni RU habang si Reo naman ay nakayuko lang at nakikinig sa dalaga dahil hindi pa rin ito sanay na makipag

