Tahimik na nakaupo sina Russell at Jana sa malaking bato sa taas ng bundok na malapit sa kanilang paaralan habang pinapakiramdaman ang simoy ng hangin. "Sigurado ka ng gagamitin mo ngayon ang huling hiling?" putol ni Russell sa katahimikan. Tiningnan siya ni Jana at sumandal sa balikat nito. Hinagod naman ni Russell ang buhok nito. "Oo. Ito na ang tamang oras." "Hmm." Tumungo si Russell at hinalikan ang noo ni Jana. Napangiti naman si Jana sa ginawa niya. Kinuha niya ang kamay ni Russell at pinaglaruan ang mga daliri nito. "Natapos ng maaga ang unang buhay natin at matatapos na naman ng maaga ang buhay natin ngayon. Sa tingin mo, tama ba ang ginagawa ko? Hindi man lang natin na enjoy ang pangalawang buhay natin." pait at may halong lungkot na sabi ni Jana. "Kahit gusto kong m

