Third Person POV Kusang bumalik ang puting mahika kay Jana nang makalapit ito sa malaking bato kung saan doon nakatago ang puting mahika. Wala siyang ibang ginawa para bumalik ito. Agad na nakilala ng puting mahika ang nagmamay-ari nito. Dahil sa pabigla itong bumalik kay Jana ay nawalan ng saglit ng malay si Jana pero nagising din makalipas ang limang minuto. Paggising niya ay bumalik ang totoong hugis ng katawan nito. Ang totong edad niya. Hindi lang ang katawan o edad niya ang nagbago kundi mapati ang kulay ng buhok niya ay nagbago. Kulay puti ito, ang kulay ng mahika niya. Dahil sa mga nagbago sa kanya ay parang naging ibang tao siya. "Ayos ka lang? May nararamdaman ka ba? Wala bang masakit sayo?" sunod-sunod na mga tanong ni Russell kay Jana nang magmulat na siya ng mga mata. N

