Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Ang alam ko lang ay nakasakay ako ngayon sa loob ng karwahe habang nakatakip ang mga mata ko. Maya-maya rin ay naramdaman kong tumigil ang karwahe at nagsibabaan ang mga kasama kong nakasay dito. "Ibaba niyo siya." dinig kong utos ng isa at naramdaman kong may humawak sa magkabilang braso ko. Sumampal sa akin ang malakas na hangin kaya nakaramdam ako ng lamig. Hindi na sila nagtagal at hinila nila ako papunta sa hindi ko alam. Limang minuto ang nilakad namin bago kami tumigil. Kahit nakatakip ang mga mata ko ay ramdam ko kung ilang tao ang nakapalibot sa akin. Dalawa sa harapan ko, tatlo sa likuran, at dalawa sa magkabilang gilid. Hindi pa nagtagal ng isang minuto ay naramdaman ko ang isang malakas na presensya sa harapan ko. "Kunin niyo

