Chapter 23

1025 คำ

Tahimik na pinapanood nina Jana at Karren sina Russell at Ken na kasalukuyang kausap ang limang lalake na nagpasimula ng pasabog. Parehong nakakunot ng noo sina Russell at Ken. Hindi marinig nina Jana at Karren ang pinag-uusapan nila dahil malayo sila sa kanila. Nanatili silang nakatago sa likod ng malaking puno. Sabay na naalerto sina Jana at Karren nang makita nilang nagpalabas ng mahika ang isa sa limang lalake. "Umalis na tayo." seryosong sabi ni Karren at hinawakan sa kamay si Jana. "Pero sina Russell.." Hindi pinatapos ni Karren si Jana sa sasabihin. Hinila niya ito patayo pagkatapos ay tumakbo kaya walang nagawa si Jana kundi ang sumunod. "Hindi na maganda ang nangyayari. Kailangan nating lumayo sa kanila. 'Wag kang mag-alala kaya na nina Tyrone at Jayson ang sarili nila.

อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม