Kinaumagahan, dumating na kami sa Lungsod ng Xieros. Kumain muna kami ng agahan bago kami bumaba sa barko. "Maghahanap kami ni Jayson ng matutuluyan natin dito sa lungsod. Si Tyrone naman ay magsisimula ng maglibot sa bandang pamilihan dito. Kanino mo gustong sumama?" tanong sa akin ni Karren habang naglalakad kami papasok sa lungsod. Masyado pang maaga kaya kunting tao lang ang nakakasalubong namin. "Sainyo na lang ni Ken. Baka maistorbo ko pa si Russell." mahinang sagot ko kay Karren. Nasa unahan namin ang dalawa na abala sa pag-uusap. "Sige, sige. Kapag nakahanap na tayo ay sabay tayong mamamasyal." Tumango ako sa kanya. Humiwalay na sa amin si Russell kaya nagsimula narin kaming maghanap ng mauupahan na bahay. Madali lang kaming nakahanap dahil maraming inuupahan na bahay dito

