"Ang dungis mo pa rin talaga kumain. Parang nung bata pa tayo.” Kung tumawa naman tong asungot na to akala niya hindi siya ganun nung kabataan niya. Psh! "Edi ikaw na ang hindi madungis kumain. Tss." Sabi ko sa kanya sabay irap. Naks! Marunong na akong umirap. "Bakit ang sungit mo ngayon Marie? Meron ka noh?" Aba't! "Che! Wala noh! Manahimik ka na nga lang dyan. Kita mong concentrate ako rito eh." "Haha.Opo!" Nasaan kami ngayon? Hindi ko rin alam eh. Kidding! Andito po kami sa ice cream world! Halata naman kung anong meron dito diba? Hindi naman pwedeng spaghetti ang meron dito. Psh. Pati sarili ko binabara ko na. Malala na talaga ako. Dito ako madalas dalhin ni Nat pag malungkot ako. Siyempre magkababata kami kahit mas matanda siya sakin ng 2 taon eh super close kami niyan. Parang

