"A-ate J-jianna-h h-help... k-kidna-ppe-d!" Pahirapan kong sabi bago ako nawalan ng malay. - "Aray, ang sakit ng ulo ko. Ano nga bang nangyari?" Sabi ko habang hinihimas ang ulo ko. Para ako may hang over sa sakit. Oo nga pala! Naalala ko na. Nakidnapped ako! Pero nasaan ako? Bakit ang dilim? Ay tanga! Nakapiring pala ako. Pati yung mga kamay at paa ko itinali rin nila. Hindi lang to mga pipitsuging mga kidnapper. Ano bang kailangan nila sakin? Wala naman akong mga kaaway ah. Tsaka wala rin naman mga kaaway si daddy. Mabait kaya siya. Pati na rin si Mommy wala rin. Si Red kaya? Baka may mga kaaway si Red tapos ako ang napagdiskitahan ng mga kaaway niya. Naku! Masasapak ko talaga si Jarred niyan. Pero sa ngayon, dapat makaalis muna ako rito. "Hoy! Kung sino man kayong kumidnap sa

