“Hey baby, wake up." Naramdaman kong may isang malambot na bagay na dumampi sa noo ko. Idinilat ko ang mga mata ko. Napangiti ako ng makita ang mukha ng asawa ko na sobrang lapit sakin. "Good morning baby. Breakfast in bed." Sabi niya sakin sabay lagay ng small table sa bed ko na may nakalagay na pagkain. "Good morning din tangkad." Sabay takip ko sa aking bibig. Hindi pa nga pala ako nag to-toothbrush. "Don't mind it baby. Hindi pa naman mabaho hininga mo eh." Hinampas ko siya sa may balikat niya. Pero hindi naman gaano kalakas. "Che!" "Hahaha!" Tinawanan lang ako ng mokong. Kinuha ko na ang kutsara at tinidor at tinikman ang luto niya. Mmmmnnn.. Masarap! Wait lang. Jarred doesn't know how to cook. How come nagluto siya ngayon? Takot kasi si Jarred sa apoy. Natrauma daw siya nung

