Chapter 3

1573 คำ
Madaling araw na pero wala pa ring maisip si Samir kung ano ang gagawin sa babae.  Mula sa Manila Bay ay maglalayag siya patungong Zambales at doon mamalagi sa isla ng Hermana Mayor.  He had enough food for a week.  Pero dahil sumampa ang babaeng iyon sa yate niya ay hindi siya aabutin ng isang linggo.  At dahil wala nang paraan para maalis ang babae doon ay tinanggap niya nang kasama niya ito nang ilang araw sa isla. Bumaba siya sa cabin at nakitang nakaupo na ulit ang babae na kanina'y nakatulog na.  Pasikat na ang araw at nagsisimula nang pumasok ang kulay gintong sinag nito sa bintana ng cabin.  Payapa na ang hitsura ng babae na kagabi lang ay tila takot na takot pa.  Iniwas niya ang mata dito at nagtungo sa maliit na cabinet sa gilid ng kama. "Good morning," bati nito sa kanya.  Saglit niya itong nilingon.  She was wearing his t-shirt and boxer shorts.  Hindi naman nakabakat ang katawan nito sa suot, but she looked so sexy in her oversized t-tshirt.  Naglabas siya ng tipid na ngiti bago muling ibinaling ang tingin sa cabinet "Tinatanggap mo na ba akong maging katulong mo?" tanong nito sa kanya.  "Like I told you last night, I don't need a maid.  Pagbalik natin sa Maynila ay bahala ka na sa buhay mo." "Wala akong kilala sa Maynila.  Hindi ako puwedeng umuwi sa 'min sa Quezon dahil ibebenta lang akong muli ng tiyuhin ko." "So, you're admitting you're a prostitute," pag-aanalisa niya.  "Maraming bar sa Maynila ang tatanggap sa 'yo." Mabilis s'yang lumabas ng cabin bago pa makasagot muli ang babae.  Napamura s'ya ng lihim.  Balak n'yang matulog muna bago ang maglangoy pero paano n'ya gagawin 'yun kung may estrangherong babae sa kama n'ya?  Muli siyang bumalik sa cabin at hinanap ang supply ng pagkaing dala n'ya.  More of those are canned goods and noodles and snacks.  Nang makita s'ya ng babae ay tumayo ito sa harap niya. "A-ako na'ng magluluto," pagpresenta nito.  "Talagang pinaninindigan mo'ng maging katulong ko?" "Y-yun lang ang pwede kong gawin para makabawi," sagot nito na pilit pinatatag ang boses.  She was gaining her confidence.  Wala s'yang nagawa kundi ibigay dito ang mga delatang dala.  Lumabas s'yang muli sa deck at pinuno ng hangin ang dibdib.  Maliwanag na ang paligid pero parang malabo yata ang sitwasyon n'ya ngayon s kaisipang kargo n'ya ngayon ang babaeng sumampa sa yate n'ya.  Inilapit n'ya sa pampang ang yate at bumaba sa tubig para ituloy ang balak na pagligo habang nagluluto ngayon ang 'katulong' n'ya.  ---- Hinalungkat na ni Gia ang mga supot na nasa ilalim ng cabinet.  Tatlong supot 'yun na mga pinamili marahil ng lalaki dahil may pangalan pa ng isang malaking grocery store ang mga supot.  Kahit ang resibo nito ay nandun din -- trenta mil mahigit.  Halos umabot na sa ibinayad ni Mr. Agustin ang presyo ng mga 'yun.  Halos kapresyo na n'ya ang mga delata? Napabuntunghininga na lamang s'ya habang iniisip ang kalagayan n'ya ngayon.  Binili s'ya ni Mr. Agustin sa halagang singkwenta mil pero ni singko ay wala s'yang pera.  Paano n'ya bubuhayin ang sarili kung hindi na n'ya balak pang umuwi sa Nanay n'ya? Binuksan n'ya ang sussage at ham at inabala ang sarili sa pagluluto.  May bigas din doon at rice cooker.  Bakasyon ang balak ng lalaki na kung saang dako na ng Pilipinas ay hindi n'ya alam.  Mula sa bintana ng cabin at nakita n'yang sumampa ulit ang lalaki sa yate habang tumutulo ang tubig sa katawan nito.  Napanganga s'ya sa kakisigan nito.  Tila ito nabuhay mula sa isang magazine na lagi n'yang nakikita sa bahay ng kaklaseng si Myka.  May parlor kasi ang mga magulang nito kaya't may mga magazine silang iniipon para sa mga customer sa parlor na naghihintay. Mabalahibo ang dibdib ng lalaki at matipuno ang katawan nito.  Inihilamos nito ang kamay sa mukha at isinuklay sa buhok nitong alon-alon.  Kumikislap ang butil ng tubig sa katawan nito na tila ito isang s*x goddess.  Hindi naman s'ya inosente para hindi malaman ang atraksyong dulot ng lalaki sa kanya.  Nasa ikatlong taon na n'ya sa kolehiyo na kung hindi dahil sa kasakiman ng tiyuhin nya'y kaya n'yang tapusin ang pag-aaral at makahanap ng matinong trabaho.  Napalingon ang lalaki sa gawi n'ya at alam n'yang nakita s'ya nitong nakatingin na nakaawang pa ang mga labi.  Agad s'yang umiwas dahil sa pagkapahiya.  Itinuon n'ya ang mata sa pinipritong ham na malapit na yatang masunog. "I'm hungry. Are you done?" Muntik pa s'yang mapakislot nang magsalita ang lalaki mula sa likod n'ya.  Hindi n'ya ito magawang lingunin dahil nakahubad pa rin ito at walang pang-itaas na damit.  Mabuti na lang at mahabang short naman ang suot nito, pero t'yak n'yang kahit ang nasa pagitan ng mga hita niyo ay 'matipuno'. "Luto na, s-sir."  Hindi n'ya alam kung ano ang itatawag sa lalaki na tila laging galit ang tono.  Naiintindihan naman n'ya kung bakit, dahil ginambala n'ya ang katahimikan nito.  Sa kabila ng pagpapakita nito ng kagaspangan sa pananalita at nakakadama s'ya ng kapanatagan sa piling nito na kung bakit ay hindi n'ya alam.  Sa tingin n'ya ay kaya s'ya nitong protektahan sa lahat ng pagkakataon.  "Samir," sagot nito.  Marahan s'yang tumango.  Kung papasok s'yang katulong nito'y dapat pa rin na tawagin n'ya itong 'sir'. Nakasandal ang lalaki sa gilid ng cabin habang pinagmamasdan s'yang naghahanda sa maliit na mesang nasa dulo ng silid.  Kanina pa hindi mawala ang kaba sa dibdib n'ya dahil sa pagkakatitig ng lalaki.  Nang matapos s'yang maghain ay umupo ito hapagkainan at nagsimulang kumain.  S'ya rin ay walang kibo na sumalo sa lalaki dahil nagugutom na rin s'ya matapos hindi makakain ng maayos kagabi sa party ni Mr. Agustin.  Natapos silang kumain ay hindi nagsalita ni minsan si Samir.  Muli itong lumabas sa cabin at kung saan ito nagpunta ay hindi n'ya alam.  Niligpit n'ya ang pinagkainan saka kinuha ang mga damit n'ya na hinubad ni Samir kagabi at pinalitan ng damit nito nang mawalan s'ya ng malay.  Namula ang pisngi n'ya nang maisip na nakita na nito ang hubad n'yang katawan.  Siguro kaya s'ya panatag na kasama ito ngayon dahil sa kabila ng lahat ay hindi s'ya nito pinagsamantalahan.  Natapos na s'ya sa lahat ng gawain pero hindi pa bumabalik si Samir.  Lumabas s'ya mula sa cabin saka tinanaw ang paligid.  Mataas na ang sikat ng araw at matatayog na puno ang natatanaw n'ya sa may di kalayuan.  Isang isla! Maputi ang kulay ng buhangin at asul berde ang kulay ng dagat.  Napakagandang tanawin at napakatahimik.  Hindi n'ya alam kung bakit dito napili ni Samir pumunta imbes na sa mga club katulad ng tiyuhin n'yang mahilig makipag-inuman at mag-table ng babae.  Sa may kalayuan ay may natatanaw s'yang ilang naliligo.  Gusto n'yang itanong kung saang parte sila ng Pilipinas pero hindi n'ya matanaw kung nasaan si Samir.  Matindi na ang sikat ng araw at masakit na sa balat.    Pumasok s'ya sa cabin at naghanap ng mababasa mula sa mga magazines na naroon. Wala naman s'yang makitang ibang mababasa kundi FHM magazines na halos hubad na ang katawang naka-print doon.  Walang pinagkaiba ang katawan ng mga lalaki sa magazine sa katawan ni Samir.  Hindi niya alam kung modelo din ito pero naaasiwa s'yang basahin ang magazine dahil wala namang ibang mababasa doon kundi puro tungkol sa s*x. Sa edad n'yang bente uno ay naka dalawang boyfriend na s'ya pero hindi s'ya pumayag na makipagtalik ni isa man sa kanila.  Marami s'yang pangarap para sa kanilang mag-ina.  Balak din n'yang hanapin ang ama na bumalik sa Amerika at hindi na nagpakita ulit.  Kahit nasa liblib na lugar sila nakatira ay nakakapanood s'ya ng mga teleserye at hindi naman s'ya inosente pagdating sa s*x.  Marami na rin sa mga kaklase n'ya ginagawa ang bagay na 'yun.  Pero kahit anong hiling ni Rex sa kanya na makipagtalik ay hindi n'ya magawa.  Dadapo pa lang ang kamay nito sa laylayan ng palda n'ya ay naiinis na s'ya. May nakita s'yang calling card na nahulog sa sahig na agad n'yang dinampot.  Samir Burman, Vice President.  Isinilid n'ya ang calling card sa pouch na dala kasama ng lipstick at face powder na nakasukbit sa leeg n'ya kagabi.  Iyon lang ang tanging gamit n'ya dahil wala naman s'yang balak bumalik sa apartelle na pinagdalhan sa kanya ng tiyuhin at baka masundan pa s'ya. "Bakit mo pinakialaman ang gamit ko?!" Halos mapatalon pa s'ya sa pagkagulat nang magsalita si Samir mula sa likod n'ya.  Napahawak s'ya ng mahigpit sa FHM magazine na nasa ibabaw ng counter.  Isang nakakalokong ngiti naman ang ibinigay ni Samir sa kanya.  Binitawan n'ya ang magazine nang mapagtanto ang nasa isip nito. "Na-naiinip..a-ako..." Alam n'yang namumula ang buong mukha n'ya sa pagkapahiya.  Kumuha ng beer in can si Samir sa mini-ref na nasa gilid n'ya at sa tingin n'ya ay sadya nitong idinikit ang katawan sa kanya.  Isinandal nito ang isang siko sa counter top at tinunghay ang mukha sa kanya habang nilalagok ang beer. "So, what interesting article have you read?" "N-ngayon ko pa lang bubuksan," pagdadahilan n'ya.  Kinuha nito ang magazine at inilipat sa gitnang pahina saka muling iniabot sa kanya. 'Kama Sutra : Erotic and Emotional Fulfillment.' Sigurado s'yang tumaas lahat ng dugo n'ya sa ulo sa pagkapahiya dahil iba't ibang posisyon ng nagtatalik ang nasa mga larawan.  "Kailangan mong pag-aralan 'yan kung gusto mong tumaas ang bayad sa 'yo ni Mr. Agustin," wika nito saka walang lingon-lingon na iniwan s'ya sa cabin.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม