NANDITO AKO SA kusina at naghahanap na ng lulutuin. Nakaiilang lang na sumama talaga sa akin si Ambrose. Hindi ko gusto na nandito siya, pero wala na akong magagawa. Nilingon ko siya at pinakita ang hawak kong malaking pipino. Iwinagayway ko ito. Sana lang talaga ay naintindihan niya ang gusto kong iparating.
“May naalala ako,” sabi ko.
“If you want, we can do it now,” sagot niya.
Napangiti ako sabay kagat ng ibabang parte ng labi ko. “Nangako ka sa akin na bukas na.”
“Don’t tease me. I’m easy to talk to,” aniya.
Napatawa ako sa isipan ko. Madali daw siyang kausap? Nagpapatawa ba siya? Akala ko may sayad lang siya, may potensiyal din pala na maging komedyante. Kung totoo man na madali lang siyang kausap, ibinalik na niya ako nang nagmamakaawa ako sa kanya kanina. Pero dahil nga masama siyang tao, sa kasamaan lang niya na nagagamit ang sinabi niya.
“Oo na,” sabi ko.
Pagkatalikod ko sa kanya, napataas na ang kilay ko. Binalikan ko na rin karne na pinalamig ko para hiwain ito. Siguro gagawa na lang ako ng adobong liempo. At itong pipino at iba pang sahog, gagawin kong side dish para mandagdag ng gana ng kain.
Ilang minuto ang lumipas, nagsimula na akong magluto. Nawala na ang atensiyon ko kay Ambrose at pokus na lang ako sa niluluto ko. Tinikman ko na ang lasa kaya napangiti ako. Mabuti na lang at masarap pa rin itong niluluto ko kahit ang dami nito. Aminado ako na hindi ako sanay na magluto ng maramihan. Pero sa awa ng Diyos, napagtagumpayan ko naman. Pinapalambot ko na lang ang karte at hinihintay ito na tuluyan ng maluto.
“Your family isn’t home yet,” sabi ni Ambrose.
Pansandalian akong natulala nang marinig ang sinabi niya. Kung wala pa pansanlian ang pamilya ko, malamang hinahanap pa nila ako. Mabuti na lang hindi nakita ng tauhan niya sina Kuya at Miguel. Sigurado akong nandoon lang ito sa loob ng bahay.
Nilingon ko si Ambrose. “Baka hinahanap pa ako.”
“Maybe that’s true. Is there anyone inside your house?”
Kailangan ko bang sabihin sa kanya na nandoon si Kuya? Pero gusto kong masigurado na maibigay niya talaga. Napatingin ako sa orasan na nasa dingding at napangiti ako nang mapansin ang oras. Sigurado akong nasa loob lang ng kuwarto si Miguel at pinapanood ang paborito niyang palabas.
“Si Kuya. Pero Ambrose, pwede mo bang utusan ang tauhan na sabihan siya na okay lang ako. It was my choice to leave. At pakisabi na huwag sabihin kay James ang nalalaman nila. At pakisabi sa Kuya ko na…” Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko para pigilan ang paghikbi ko. “Na alagaan niyang mabuti ang pamangkin kong si Miguel. Pakisabi rin na babalik lang ako soon para hindi sila mag-aalala.”
Nang tumango siya, tumalikod na ako. Nanlilisik na ang mga mata ko sa galit, pero agad ko rin pinakalma ang sarili ko. Mahirap na at baka madala ako sa emosiyon ko.
Nang natapos na ako sa pagluto ng ulam, umupo ako sad ulo ng mesa sa tapat ni Ambrose. Napatingin ako sa kanya at abala siya sa pagtitipa ng phone niya. Napaisip naman ako kung ano ang nangyari roon sa bahay. Sana lang talaga ay naibigay na ng tauhan niya ang pera kay Kuya.
Inabot ko na ang pipino at kamatis para hiwain ito. Nang sinimulan ko na itong hiwain, napatigil ako nang tumikhim si Ambrose. Napalingon ako sa kanya at nakikita ko sa mga mata niya na may sasabihin siya.
“Is this your nephew?” sabi ni Ambrose.
Nanlaki ang mga mata ko sa labis na kaba. Hindi ko naman mapigilan na mapatayo sa kinauupuan ko at nagmamadaling tumakbo papunta sa kanya. Aagawin ko sana sa kanya ang phone niya, pero inilayo niya ito sa akin.
Tumayo siya at kita ko ang inis sa mukha niya. “What happened to you?”
“G-Gusto ko lang makita si Miguel,” sabi ko.
Ihinarap ni Ambrose sa akin ang phone niya at para akong nabunutan ng tinik nang makitang nakasuot ito ng sunglasses. Akala ko ay nakita na niya ang buong itsura nito. Kahit kalbo ang anak ko, kung wala itong suot na sunglasses, kamukhang-kamukha ito ni Ambrose.
“In all fairness to your nephew, huh? He’s wearing sunglasses indoors,” aniya, natatawa pa ito.
Napabuntonghininga ako. “Gusto niya raw kasi maging rockstar paglaki.”
“Oh, he’s left-handed. So am I. Maybe he’s a smart kid, too,” aniya.
Napakunot ang noo ko. “Ganoon ba iyon?”
“It’s just a belief I grew up with. That’s what my mom kept telling me repeatedly,” aniya.
Napangiti ako. “Matalinong bata nga si Miguel. Valedictorian siya noong nakapagtapos siya ng kinder 2.”
Nagkibikit-balikat siya. “See? My mom was right. Anyway, why did you seem so flustered earlier?"
Napabuntonghininga ako. “Maiaalis mo ba sa akin ang takot na baka kukunin mo rin ang pamangkin ko? Ayaw ko lang na makita mo siya at baka pagdisketahan mo siya.”
“If you’ll only be good while you’re in my house, nothing bad will happen to your family. Their fate is in your hands. So if I were you, just follow what I want,” mahabang litanya niya.
Napatango ako. “I will try my best.”
Bumalik na ako sa kinauupuan ko. Pagkaupo ko, agad kong tiningnan si Ambrose. Napatingin lang siya sa akin kaya inalayan ko siya ng isang matamis na ngiti.
“Naibigay na ba ng tauhan mo ang pera kay Kuya?” tanong ko.
Nang napatango siya, para akong nabunutan ng tinik. Hindi ko naman maitago ang saya sa mukha ko. Masaya lang ako para sa pamilya ko. Sana magamit nila nang mabuti ang pera kahit wala ako.
“Salamat,” sabi ko.
Natapos kong sabihin iyon, ibinaling ko na ang atensiyon ko sa ginagawa ko. Nang natapos, tumayo na ako. Nagkuha na ako ng kanin para sa aming dalawa ni Ambrose. Ihinanda ko na rin ang plato, mga kurbyertos, at ang lahat ng mga kailangan namin.
Nang natapos, umupo na ako sa gilid niya. Bago ako kumain, nag-sign of the cross muna ako. Napatingin siya sa ginawa ko habang nakakunot ang noo.
“Do you believe in God?” tanong niya.
Sa tanong niya sa akin, nakuha ko na ang sagot kung bakit wala siyang puso. Hindi pala siya naniniwala sa Diyos! May nabasa pa naman akong mahirap daw pakisamahan ang mga atheist. Sila raw iyong mga tao na madalas sumasalungat sa paniniwala ng mga naniniwala sa Diyos. Bakit pa ba ako magtataka? Wala nga silang pinaniniwalaan.
“Oo naman,” sagot ko.
“If there’s a God, why are you here? Helpless?” tanong niya.
Napangiti ako. Tama nga sila! Sumasalungat sila sa mga taong may pinaniniwalaan.
“Alam mo, Ambrose, kung hindi ka maniniwala sa Diyos, ibibigay ko sa iyon sa iyo. I will respect it wholeheartedly. Pero pakiusap lang, don’t question my faith towards my God. Kasi kung ipagpipilitan mo ang paniniwala mo at ipagpipilitan ko rin ang paniniwala ko, walang mangyayari. Mag-aaway lang tayo,” mahabang litanya ko.
Nagkibit-balikat siya. “There’s no God.”
Hindi na ako sumagot at baka mainis lang siya kung ipagpipilitan ko ang gusto ko. Ako na lang mag-adjust. Mabuti sana kung hindi siya nananakit, pero hindi siya ganoon. Magaan ang kamay niya sa tuwing hindi niya gusto ang nangyayari.
May pagkakataon na ang higpit niyang humawak sa akin nang galit siya sa akin. Katulad kanina nang hinawakan niya ang buhok ko para lang sapilitan na ipaharap sa kanya. Pero sa awa ng Diyos, hindi pa niya ako nasampal. Bagaman malakas ang kutob ko na magagawa niya rin iyon sa akin sa oras na hindi ko gagawin ang gusto niya.
Nagsimula na kaming kumain. Sa totoo lang, tanging ingay ko lang sa pagkain ang naririnig ko. Wala akong anumang ingay na narinig mula kay Ambrose. Kahit paghiwa niya nga adobo gamit ang maliit na kutsilyo, hindi man tumutunog sa kanyang plato. Nakamamangha lang kung paano niya nagagawa ang bagay na iyon.
Ipinagdasal ko na lang na sana ay hindi siya maingayan sa akin. Mapapasubo talaga ako sa pagkain nang walang ingay kung pati iyon, pakikialam pa niya. Sana kahit dito man lang ay ibinigay na niya lang sa akin.
Nang natapos siyang kumain, naramdaman kong napatingin siya sa akin. Ano na naman kaya ang nasa isipan niya? Sana lang talaga ay wala siyang kasamaan na maiisip.
“I’ll take care of your nephew’s treatment. I have a hospital in your province,” biglang sabi ni Ambrose.
Napatigil ako sa pagsubo. Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi niya. Nangako ako sa sarili ko na hindi na iiyak sa harapan niya, pero hindi ko mapigilan na mangilid ang luha sa mga mata ko. Anak na namin ang pinag-uusapan dito at masaya ako sa narinig ko.
Hindi pa man ako nakapagsalita, tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata. Marahan ko ng pinunasan ito. Kahit paano, msisisgurado ko na hindi ito luha ng dahil sa sakit, ito ay luha dahil sa saya.
“Salamat,” mahinang sabi ko.
Narinig kong tumayo si Ambrose, pero hindi ko pa rin siya magawang tingnan. Aminado ako na masaya ako sa ginawa niya para kay Miguel. Wala siyang ideya na nadugtungan niya ang buhay ng anak naming dalawa.
Nang marinig ko ang yabag ng mga paa niyang papalayo rito sa kusina, hindi ko na mapigilan na mapahagulgol. Masaya ako sa katotohanan na mababawasan ang pag-aalala ng pamilya ko kay Miguel.
Nang natapos na akong kumain, walang tigil na ako sa pagpunas ng luha sa mga mata ko. Ilang segundo ang lumipas, napatayo na ako para ligpitin ang mga pinagkainan namin. Nang mapansin kong kunti lang ang kinain niya, napakunot ang noo ko. Sa tingin ko, hindi niya nagustuhan ang niluto ko.
Nang maghuhugas na sana ako ng pinggan, napatigil ako nang may dumating. Paglingon ko, tauhan ito ni Ambrose. Napatingin ako sa kanya at hinintay na magsalita siya. Sigurado ako na may kailangan siya sa akin.
“Ma’am, ako na riyan. Mapapagalitan kami ni Sir,” sabi ng lalaki.
Marahan akong tumango. “Okay.”
Tinuro ko ang pagkain sa mesa. “May niluto ako. Kainin ninyo at baka mapanis. Huwag lang kayong umasa na sobrang bahay. Pamilya ko lang kasi ang nilulutuan ko sa bahay.”
Napatango siya. “Sige, Ma’am.”
“Huwag mo na akong tawaging, Ma’am,” sabi ko.
“Mapapagalitan kami ni Boss Ambrose,” sagot niya. Napabuntonghininga siya. “Bumalik na kayo sa itaas, Ma’am, at baka hinahanap ka na ni Boss.”
Napatango ako. “Sige. Ubusin ninyo iyan.”
Pag-alis ko, napabuntonghininga na lang ako. Imbes na dapat ay nonchalant lang ako, hindi ko iyon napanindigan. Masaya lang talaga ako sa sinabi ni Ambrose kanina. Kahit sinong ina, sigurado ako na ganito rin ang mararamdaman ng katulad sa akin.
Nang may nakasalubong akong isang tauhan ni Ambrose, yumuko siya bilang pagbati sa akin. Napatango lang ako at hindi na sumagot. Sa kanya nagamit ang plano kong magpaka-nonchalant.
Habang humahakbang, sinigurado ko na walang kaduda-duda sa mukha ko. Maraming CCTV cameras sa buong paligid kaya dapat talaga mag-iingat ako sa ekspresiyon ng mukha ko.
Pagdating ko sa aming kuwarto, nadatnan ko si Ambrose na abala sa laptop niya. Nakaupo siya sa isang study table at tahimik na nagtitipa. Hindi nga niya ako magawang lingunin. Siguro ganoon siya kaseryoso pagdating sa trabaho niya.
Pagkahiga ko sa kama, napalingon ako sa kanya. Kung titigan mo siya, para siyang walang kakayahan manakit. Mukha siyang mabait. Kahit paano, kailangan kong ipagpasalamat na parang malambot ang puso niya sa bata.
“At exactly 12:00 midnight, I’ll make my move on you,” sabi niya nang hindi man lang nakatingin sa akin.
Napanganga ako. “A-Akala ko ba ay pumayag ka ng bukas?”
“The date on the calendar will change as the clock strikes twelve midnight. Wouldn’t that be considered tomorrow??”
Hindi na ako sumagot at bumangon na lang. Naghanap muna ako ng libro sa mini bookshelf niya rito sa loob ng silid.
“Pwede ko bang galawin at basahin ang mga libro mo?” tanong ko. Hindi siya sumagot kaya napabuntonghininga na lang ako. “Is that a yes?”
Hindi pa rin siya sumagot at wala na akong pakialam doon. Naghanap na lang ako ng babasahin ko. Habang binabasa ang mga blurb ng mga libro niya, nagsitayuan ang mga balahibo ko. Lahat ng temang binabasa niya ay p*****n.
Inangat ko ang tingin ko para maghanap ng libro sa itaas. Nang may nakita akong manipis na libro, kinuha ko ito. Pagtingin ko sa titulo, nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko.
TEN STEPS TO K*LL MY FATHER
Napabuntonghininga ako at agad na ibinalik ang libro sa lagayan nito. Sa titulo pa lang ay alam kong hindi ko ito kayang basahin. Sino bang mabuting anak ang magbabasa ng ganoon?S
Nilingon ko si Ambrose at nabilaukan na lang ako nang makita kung ano ang pinanunood niya sa kanyang laptop. Ito ay isang s*x videos sa isang p*rnsites. Nang lumapat sa lalaki ang video, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tattoo niya sa leeg. Ang lalaking pinanunood niya, ang sarili niya. Hindi malalaman na siya ito sapagkat nakasuot ito ng mascara.
Napatakip ako sa bibig ko. “H-Hindi kaya gumagawa siya ng p*rn videos?” tanong ko sa isipan ko.