Nang makarating kami sa mansiyon ni Ambrose dito sa isla na hindi ko alam kung saan, nagpalinga-linga ako sa paligid. Masasabi kong wala pa ring pinagbago sa mansiyon na ito. Kung mayroon man, kaunti lang talaga. May ilang gamit pa nga akong naalala na roon pa rin nakapuwesto. Ang napansin ko sa buong paligid, matingkad pa rin ang kulay ng mga dingding. Maaaring may mga tauhan talaga siyang nag-aalala rito.
Napataas ang kilay ko. Ilang babae na kaya ang dinala niya rito? Ang sabi niya sa akin kanina, sa dami ng babaeng nakasama niya sa kama, ako raw ang hinahanap niya. Malamang, noong hindi pa niya ako nakikita, naghahanap pa siya ng magbibigay ng saya sa kanya. Pero ano bang pakialam ko sa kanya? Ama lang siya ng anak ko, at hanggang doon lang iyon.
“Welcome to my world, Helena,” sabi ni Ambrose.
Nilingon ko siya. Hindi ko magawang ngumiti sa kanya. Wala akong dahilan para matuwa sa sinabi niya. Ang mundo niya ay impyerno, at walang sinumang tao ang matutuwa roon—lalo na ako, na ang pangarap ay mapunta sa lalaking magmamahal at mag-aalaga sa akin nang buong puso.
Napangiti siya, pero alam kong naiinis siya. Hindi ko kayang magpanggap ng emosiyon sa harap niya. Alam niya rin naman na naiinis ako sa kanya. Kung ngingiti man ako, siguradong iyon ay dahil pipilitin niya ako.
“You’re so grumpy,” aniya. Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang yabag ng mga paa niyang papalapit sa akin.
Hindi pa rin ako sumagot. Pero nang dumapo ang kamay niya sa balikat ko dahil inakbayan niya ako, doon ko na napagdesisyunang magsalita. Natatakot lang ako na baka saktan niya ako. Ano bang laban ko sa kanya? Makisig at matangkad siyang lalaki. Kahit nakasuot na ako ng pares ng takong, hanggang balikat lang niya ako. Siguro ay six-footer siya.
“May damit ba ako rito?” mahinang tanong ko.
Marahan niyang pinisil ang braso ko. “Of course. I wouldn’t let my Helena go naked all the time. I’d get tired eventually.”
“Saan ang kuwarto ko?”
“Our room,” pagtama niya.
Napabuntonghininga ako. “Kailangan ba talagang magkatabi tayo?”
“Why wouldn’t we, when I already claimed you?” mabilis pa sa kidlat na sagot niya.
“At proud ka pa sa ginawa mo? You own me by force.” Nilingon ko siya sabay angat ng ulo para makita ang mukha niya. “Hindi nakaka-proud iyon. Ang babae, inaalagaan at minamahal—hindi tinatakot at dinadaan sa dahas.”
Nakita ko ang inis sa mga mata niya kaya agad akong umiwas ng tingin. Aminado ako, magaling lang akong galitin siya, pero kapag nagawa ko na ang gusto ko, ako rin itong natatakot. Naduduwag ako.
“Whether you want to or not, you will love me. Helena, do you love me?” tanong niya.
Nang dahan-dahan kong maramdaman ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko, agad akong tumango. Nagsimula na ring manginig ang mga tuhod ko.
“Say you love me, Helena,” utos niya, puno ng awtoridad.
“Mahal kita, Ambrose. Sa unang gabi pa lang nating magkasama, hindi na ako nagsisi na ikaw ang nakauna sa akin. Iyong yakap at halik mo, gabi-gabi kong napapanaginipan,” sagot ko.
Ang pakiramdam ko ay para akong masusuka matapos sabihin iyon. Nandidiri ako sa sarili ko. Alam kong hindi siya maniniwala, pero wala na akong pakialam doon. Ang mahalaga sa akin, sinabi ko ang gusto niyang marinig kahit labag pa ito sa kalooban ko.
Nagkasulubong ang mga kilay ko nang tumawa siya. Mukhang natutuwa pa talaga siyang nauuto niya ako. Wala naman akong pagpipilian, hindi ba?
Inilakbay niya ang kamay niya patungo sa leeg ko kaya para na akong mamatay sa takot. Natatakot lang ako sa posibilidad na sasakalin niya ako. Si Ambrose pa naman iyong taong may kakayahan na gumawa ng bagay na ganoon.
“Good. Deceive me all you want, and that would be enough. What matters to me is that you’re here whenever I want to be happy. I have you at my best.”
“And I have you at my darkest. Not to be my shoulder to cry on, but the main reason why I felt it,” sabi ko sa isipan. Mahirap nang marinig niya iyon sa bibig ko.
Pagdating namin sa ikatlong palapag ng mansiyon, dinala niya ako sa kwarto naming dalawa. Alam ko ang kwarto na ito dahil dito namin ginawa si Miguel.
Napakaganda ng kwarto. Wala masyadong gamit at kulay puti lang ang makikita. Kahit alam kong hindi maganda ang kapalaran ko sa kamay ni Ambrose, naisipan ko pa rin ang ganda ng view mula rito sa kwarto. Kaya para gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko, mas mabuti pang tumungo muna ako sa balkonahe.
Pagdating ko sa tapat ng pinto patungo sa balkonahe, pinindot ko sa gilid ang switch para mabuksan ang electric curtain na nakaharang. Nang dahan-dahan ng bumukas ang kurtina, hindi ko mapigilan ang mamangha nang makita ko ang ganda ng view sa labas. Binuksan ko na ang pinto at nagmamadaling lumabas patungo sa balkonahe.
Nang makatayo na ako sa balkonahe, napatitig lang ako sa dagat. Para itong crystal sa mga mata ko na kumikislap. Dumagdag pa sa ganda ng view ang kulay asul na kalangitan at tingkad ng sikat ng araw. Hapon na, pero wala pang senyales na magtatago na ang araw sa mga susunod na oras.
Napayakap naman ako sa sarili ko nang sinalubong ako ng malamig na hangin. Para bang niyakap niya ako. Mabuti pa siya at dinamayan niya ako sa lungkot ng nadarama ko. Napasinghap ako nang maamoy ko ang dagat. Malayo-layo ito nang kunti sa akin, pero umabot pa rin dito sa kinatayuan ko.
Napatingin ako sa kabilang isla. Hindi ko naman mapigilan na muling maalala ang anak at buong pamilya ko. Siguro kung nandito sila, matutuwa sila sa nakikita nila. Lalo na siguro si Miguel. Napakulit pa naman ng batang iyon. Maaaring kung nandito siya, sumisigaw na ito habang hawak ang paborito niyang stuffed toy na isang balyena.
Napangiti na lang ako nang mapansin kong tumulo na pala ang luha sa mga mata ko. Darating din ang araw na papabor din sa akin ang panahon. Iyong makasasama ko muli ang anak ko at mawawala nang tuluyan ang sakit niya, magiging cancer-free na siya. Kung mangyari iyon, taos-puso akong magpapasalamat sa Diyos.
Pinunasan ko na ang luha ko at agad na tumalikod para bumalik na sana sa loob. Pagpasok ko sa pinto, nagpalinga-linga ako sa paligid nang mapansin na wala na si Ambrose. Napangiti ako at agad na tumakbo patungo sa cabinet. Hindi ko makalilimutan ang sagot niya kanina na nakahanda na ang mga susuotin ko rito. Sana lang talaga ay magkasya sa akin. Nagkalaman ako nang kaunti simula nang ipanganak ko si Miguel, pero masasabi ko pa rin na sexy pa rin akong babae. Mas gumanda pa nga dahil mas lumaki ang mga dibdib ko at mga balakang ko. Kaya kong magsuot ng mga fitted na dress, makikita talaga ang kurba ng katawan ko.
Nang mabuksan ko ang unang dalawang pinto ng cabinet, napataas ang kilay ko. Sigurado akong mga gamit ito ni Ambrose. Lumipat ako sa kabilang cabinet sa pagbabakasaling nandoon ang mga gamit ko, pero sa kasamaang palad, hindi rin iyon akin.
Mas napataas ang kilay ko. Akala ko ba ay magkasama kami sa isang kwarto? Pero bakit wala man lang akong mga gamit dito? Nasa kabilang kwarto kaya? Pahihirapan pa niya talaga akong lumabas para kumuha lang ng mga gamit na susuotin ko sa pang-araw-araw? Iba rin talaga siya. Partida, sinabi pa niyang mahal niya ako. Kung ganito siya magmahal, ikatutuwa kong maibaling ang pagmamahal niya sa iba. Demonyo talaga!
Nang may tunog ng pinto na bumukas, agad akong napalingon sa likuran ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang iniluwa roon mula sa banyo si Ambrose na walang anumang saplot sa katawan. May tuwalya siyang dala pero nasa balikat niya nakasabit ito. Napansin ko rin na basa ang kanyang buhok kaya maaaring kagagaling lang niya sa pagligo.
Nang hinawakan niya ang kanyang manhood, agad akong tumalikod. Hindi ko maipagkakaila na labis ang bilis ng pintig ng puso ko. Kinakabahan lang ako.
“Why are you shy, Helena? You’ve seen it before. And not just seen,” aniya. Maririnig sa boses niya ang pang-aasar.
“Akala mo makukuha mo ako sa ganyan? Manigas ka,” sagot ko. Hindi ko pa rin siya magawang tingnan.
“Get used to seeing me like this. When I’m in the room, I’m often naked—always ready,” aniya.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko. “As if naman natutuwa ako? Ano pala, napansin ko sa cabinet na walang mga damit na pangbabae. Ang sabi mo ay man of words ka? Pero bakit wala akong nakitang mga damit ko, ha? Nangako ka kanina na meron.”
“Face me,” utos niya.
“Magbihis ka muna.”
“Face me now.”
Napabuntonghininga ako at agad na lumingon sa kanya. Iniiwasan ko lang na magalit siya. Iniwas ko naman agad ang mga tingin ko sapagkat dumiretso ito sa hindi ko dapat tingnan. Napaka-attention seeker ng manhood niya. Bagaman hindi ko maipagkakaila na gifted siya. He has a huge... um, huge hand.
“Ano? Bakit wala?” tanong kong muli.
“There are numerous of men here, not just me. You’re gorgeous and alluring, so it wouldn’t be surprising if someone else found you attractive. As the one who owns your life, I want you all to myself. I don’t want any other man desiring you. I want to be the only one who loves you,” mahaba niyang paliwanag.
Napakunot ang noo ko. “Koneksiyon? Wala sa sinabi mo ang sagot na gusto kong marinig sa tanong ko.”
“Because I don’t want to share you with anyone, I don’t want you looking attractive to them. So you’ll wear my clothes, except for underwear, because that’s complete,” aniya.
Napanganga ako. “Seryoso ka ba sa pinagsasabi mo?”
Napabuntonghininga siya. “Do I look like I’m joking?”
Wala akong nagawa kundi ang talikuran siya. Pagkatapos, bumalik ako sa nakabukas na cabinet. Binuksan ko ang ilalim na drawer at doon ko nakita ang mga gamit ko na tinutukoy niya.
“Go shower in the bathroom. Just make sure you shave. I’m not used to being with an unkempt woman.”
“Pwede bang bukas mo na lang ako galawin? Hindi pa ako mentally ready,” sabi ko nang hindi siya tinitingnan.
“Fine. But…”
Napataas ang kilay ko. “What?”
“I won’t give your family the money they need,” mabilis pa sa kidlat na sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapakuyom. Naiinis lang talaga ako.
Ipinikit ko muli ang mga mata ko para bumuntonghininga. Ilang segundo ang lumipas, para naman ako sinaksak sa puso nang makita ko sa isipan ko ang anak ko na nakangiti habang nakatitig sa akin. Nang marinig ko ang pagbitaw niya ng salitang mahal niya ako, hindi ko na napigilang tumulo ang luha sa mga mata ko.
Nilingon ko na siya at inalayan ng ngiti habang walang tigil sa pagpatak ang luha sa mga mata ko. “Then fine. You can use my body after I take my shower.”