❧ ❧ ❧ DHIENA's POV Isang buwan na ang nakakalipas simula nang umpisahan namin ang dinner dates namin tuwing uwian. Nasasanay na rin ako sa kaniya tuwing nang gugulo siya sa loob ng unit ko o hindi kaya naman ay mitikolosong chini-check ang buong bahay ko. Kaso lately hindi ko talaga sure ano 'tong nangyayari sa'kin, unting kibot niya o galaw niya kinaiinisan ko o pinag gigigilan ko. As in minsan na aawa na ko sa kaniya pag nakasimangot siya at hindi ko pinapansin pero hindi ko talaga maiwasan na pagbuntungan siya ng init ng ulo ko. Hindi ko naman sinasadya kasi feeling ko pinaglilihihan ko na siya ngayon, dalawang buwan na rin kasi ang tiyan ko at ito na nga nakakaramdam na ko nang mga pagbabago sa katawan ko. Nagiging sensitive na rin ang ilong at panlasa ko kaya madalas nagiging su

