❧ ❧ ❧ DHIENA's POV Nagising na lang ako sa isang malambot at puting kama, nilingat ko kaagad ang tabi ko kung andoon siya at na kita ko lang siyang nakahiga habang nakatitig sa'kin. "Good morning love," bati niya na nagpapula ng mga pisnge ko, nakasalumbaba siya habang nakahiga nang nakatagilid. Nakababa rin ang hibla ng mga buhok niya at halatang galing sa higaan, messy pero super gwapo tignan sa kaniya, malayo sa image niya sa office kung saan kailangang neat and formal siyang tignan. "Good morning," bati ko sa kaniya at akmang hahalikan niya ko nang bigla ko na alala ang hininga ko, sheet na malagkit kakagising ko lang baka may panis na laway ako. "Waiiit—" awat ko sa kaniya at bumangon agad sabay takbo sa bathroom, habang nakaikot sa katawan ko ang kumot ay kinalma ko ang sarili

