Alam ko rin kasi na mali ako. Hindi naman talaga dapat na inaabuso ang kapangyarihan na mayroon siya. Lalo pa alam ko na ayaw niyang masira siya sa mga tao. Alam ko na mali ako sa ginawa kong ito. Wala akong narinig na kahit na ano mula sa kanya. “Itabi mo dahil kakain muna tayo,” utos niya sa akin kaya naman ginawa ko. Sa isang karinderya kami tumigil. At nang bumaba siya ay magiliw siyang sinalubong ng matandang ginang na sa tingin ko ay ang may-ari ng kainan na ito. Ako naman ay nakasunod lang sa kanila. “Iyon pa rin ba ang order mo, pogi?” nakangiti na tanong ng matanda. “Opo, nay.” “Kasama mo ba siya?” tanong pa nito at ako ang tinutukoy niya. “Opo, nay. Siya po ay–” “Kasintahan mo? Ang ganda naman ng kasintahan mo, bagay na bagay kayong dalawa,” sabi pa ng matanda. “Nay, h–

