Labis na ikinabigla ni Patricia ang sinasabi sa kaniya ng abogado ni Kahl-el. May dala itong mga kasulatang pinirmahan niya na nagsasabing hindi na siya maaaring umarte sa harap ng camera na walang pahintulot ng kompanya nito, in short binabawalan siya nitong magtrabaho para walang pumasok na income sa kaniya! Nasisiguro niyang sa kaniya talaga ang mga lagdang iyon. Na-realize niyang pumirma nga pala siya sa mga iyon nang hindi nalalaman ang detalye ng mga iyon sapagkat noong panahong iyon ay buo pa ang pagtitiwala niya kay Kahl-el. Naging malinaw sa kaniya na talagang walanghiya si Kahl-el. That bastard! Gusto nitong sirain siya, ang kunin sa kaniy ang lahat ng mahalaga sa kaniya. Naisip niyang kung utos man iyon dito ng mommy nito ay mayroon nang sariling isip ito upang tumanggi kung sa

