K A B A N A T A 98 Nakatingin ako kay Daddy habang nakahiga siya sa kanyang kama sa heaquarters nila. Kakatapos lang siyang tingnan ng Doctor na ipinatawag ni Spade, kinagat ko ang aking ibabang labi nang maalala ang sinabi nito. Hindi lang pala ito ang unang beses na nagganito si Daddy, nahi-highblood siya at kung hindi naaganapan noon ay tuluyan siyang aatakihin sa puso. Ilang beses na pala siyang isinugod sa ospital o kaya naman ay may ipinadalang Doctor. Hindi ko maiwasan mapatitig sa may katandang mukha ni Daddy habang nakatayo ako sa gilid ng kanyang kama. Kulubot na ang kanyang balat, hindi na kasing tindig ng tayo niya noon ang tayo niya ngayon. Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina, na kung hindi niya ako iniisip sana ay hinayaan na niya ako at si Arki. Na hinaharang niya

