Ana was awed by the magnificent view of the Taal Lake from their suite. Parang ang sarap mag-swimming rito sa isa sa pinakasikat na lawa sa Pilipinas, kahit alam niyang delikado ang lumangoy dito dahil nga sa mga aktibong bulkang nakapalibot dito. Sinisipat niya tuloy ang bulkang nakikita dahil baka may umaagos nang lahar dito. Mabuti na lang at mas marami pa rin ang piniling makita ang lawa at ang mala-kalderong bulkan kaysa matakot sa posibleng biglaang pagputok nito. Malapit nang magdapit-hapon, pero medyo bughaw at abo pa rin ang kulay ng kalangitan. Hindi niya alam kung may paparating bang bagyo or talagang wala lang sa mood magpasikat ang araw ngayon. Para bang nakikisama din ang panahon sa mood nila ngayon ni Vince. Napabuga na lang siya ng hangin matapos sumagi sa is

