Nasa dining room sila Rodrigo at ang kanyang asawa na si Rina. Magkaharap ang kanilang mga inuupuan. Nakahain sa mesa ang mga pagkaing almusal na kanilang pinagsasaluhan sa umaga. Tumigil sa pagkain si Rodrigo at tiningnan si Rina. Hindi niya maikakaila na magandang babae ito ngunit asawa lamang ang turing niya at hindi kabiyak ng kanyang buhay. Ang relasyon nilang dalawa ay bunga lamang ng arrange marriage para magsanib-pwersa ang kanilang mga pamilya at mapalago lalo ang negosyo at kayamanan. Sa ilang buwan nilang pagsasama ay kahit kailan ay hindi naging malapit ang loob ni Rodrigo kay Rina. Ginagamit niya lang ang katawan nito sa tuwing tutupukin siya ng apoy ng pagnanasa. Marahil ay nagwagwapuhan rin si Rina sa kanya kaya pumapayag na lamang sa gusto niyang mangyari. Kumunot ang no

