Tinalo ng init na kanilang nararamdaman ang maling sinasabi ng isipan. Hindi na mahalaga kung magkasala man sila sa batas ng nasa Itaas kapag sila’y namatay basta ang mas mahalaga sa kanila ngayon ay ang maiparamdam sa isa’t-isa kung ano ang nilalaman ng kanilang mga puso sa pamamagitan ng kanilang pag-iisa. Tawang-tawa si Rina habang binubuhat siya ni Albert papasok sa kwarto nila ni Rodrigo. Kaagad na sinipa ni Albert ang pintuan para masarado ito. Napapangiti naman si Albert habang matamang nakatingin sa babaeng minamahal. Hindi niya akalain na sa pagkakataong ito, hindi lamang ang mga katawan nila ang magiging isa kundi pati na rin ang kanilang mga nararamdaman. Hindi siya makapaniwala na dito pala niya sa mansyon matatagpuan ang babaeng tunay na magpapatibok ng kanyang puso. Wala na

