Nasa harapan ng salamin na nasa loob ng kanyang kwarto si Warson. Nakatitig ang mga mata niya roon. Basa pa ang kanyang buhok at tanging twalya na nakatapis sa kanyang bewang ang tanging tumatakip sa katawan niya. Kitang-kita sa repleksyon sa salamin ang ganda ng hubog nito at ang bukol niya na umbok sa gitna ng twalya. Kanina pa siya nakatulalang nakatayo. Nang lumabas siya ng banyo para maligo at ng matapos ay sa harapan na ng salamin ang kanyang diretso. “Bakla ka!” “Hindi ka bakla.” “Bakla ka dahil tinitigasan ka sa lalaki!” “Hindi ka bakla. nadadala ka lang sa temptasyon.” “Bakla ka dahil apektado ka sa lalaki!” “Hindi ka bakla. Natatakot ka lang kaya ka sumusunod sa kanya.” “Bakla ka kasi sumusubo at nagpapatira ka!” “Hindi ka bakla. Napipilitan ka lang gawin iyon.” “Bakla

