Pumasok sa bahay si Warson. Bukas ang ilaw na nagbibigay liwanag sa buong paligid ngunit wala siyang naabutang tao sa loob. Napahingang-malalim si Warson. Tumingin siya sa hagdanan at napangiti ng tipid. Sinarado niya ang pintuan ng bahay at bago muling maglakad ay inayos na muna niya ang pagkakasukbit sa balikat ng kanyang bagpack saka nagpunta sa hagdan para umakyat. Bahagyang nagulat pa si Warson ng sa pagpasok niya ng kwarto ay nakita niya si Warren na nakaupo sa kama at tumingin sa kanya nang maramdaman nito ang pagpasok niya. Poker face lamang ito habang nakatingin ng diretso sa kanya. Akala niya ay si Yale ang nasa bahay dahil sa pagkakaalam niya, wala ang kuya niya dahil sa busy sa trabaho at sa kasintahan nito ngunit mali pala ang pagkakaalam niya. Nagbaba nang tingin si Warson

