CHAPTER 8

2747 คำ
Chapter 8: Stuck & Pick Up ONE morning ay sabay-sabay kaming kumain ng breakfast, kasama ko sina Mama at Papa. Kami ni Mama ang magkatabing nakaupo at si Papa naman ay nasa gitna—kung saan dapat nakapuwesto ang padre de pamilya namin. But minsan naman ay umuupo siya sa tabi namin. Sanay kaming kumain ng heavy breakfast. May tuyo pa nga minsan ang kinakain namin at nagkakamay kami. Para feel daw namin ang buhay sa probinsya kahit nasa villa kami. Tinatawag ko nga ito minsan na bahay, eh. Totoong tahanan naman namin ito. Maraming extra room at halos kompleto na lahat ang mga gamit dito. Malayo ito sa mga taong simpleng bahay rin ang mayroon sila pero nagpatayo ng housing project ang Mama ko para sa mga tauhan nila ni Papa. Ganoon talaga kahalaga para sa amin ang mga workers namin sa Sta Rosa Province. Maasahan din naman kasi ang mga ito kasi masisipag din. “Papa, puwede ko ho bang hiramin ang kotse mo?” tanong ko sa aking ama. Nag-angat siya nang tingin at sinalubong ko naman iyon. “Aba siyempre naman, anak. Kahit hindi ka na magpapaalam pa sa akin. Pumili ka na lang kung ano’ng kotse ang gusto mo sa garahe. Na kay Mama mo ang mga susi,” sabi niya. Super bait talaga ng aking ama. Kaya mahal na mahal ko rin siya. “Thanks, ’Pa,” nakangiting sambit ko. “You’re welcome, anak.” Ngumiti rin siya sa akin pabalik. “Why? Sawa ka na ba kay Vip, darling? At gusto mong naka-kotse ka na lang habang pumupunta sa palengke?” naaaliw na tanong naman ni Mama. Umiling ako kasi hindi naman iyon ang dahilan ko. Aalis ako at hindi naman keri ni Vip ang pumunta sa malayo. Hihingalin at mapapagod lang siya. “Pupunta po ako sa Manila. Kukunin ko lang po ang package ko na pinadala ni Sydney. Mga gamit ko po iyon doon sa States,” ani ko. Totoong may package ako at mga gamit ko lang naman ang nandoon. Tinawagan ko siya last week na ipadala na sa akin since maayos naman iyon lahat at ngayon lang dumating. “Pasasamahan kita sa family driver natin, Eljeh,” suhestiyon ni Papa. “No need na po, ’Pa. I can drive naman po,” usal ko. “You sure, anak?” he asked me and I nodded. “Isa pa ho ay may bibilhin din ako sa Manila. Baka rin po bukas na ako makakauwi. Dadaan na lang ako sa condo ko,” ani ko. May sarili akong condo roon. Doon kaya ako nag-aral at paminsan-minsan din ako kung umuwi rito. “Pero kung puwede ka pa namang umuwi agad, try it, darling.” “I will po, ’Ma.” “Binibida ka sa akin ni Aling Molai, anak. Masipag ka raw sa tindahan nila,” ani Papa na mukhang proud siya sa akin. Sa pagiging tindera ko talaga. “Eh, nakaupo lamang po ako roon habang nagsusukli po ako sa mga customer nila, ’Pa. Wala po kasi roon si Azul. Lumalandi po siya.” Pareho na naman silang natawa sa sinabi ko. “Be careful, darling.” “I will po.” Black jumpsuit ang isinuot ko and white sneakers. Hindi na ako nagsuot pa ng beanie ko and I chose the cat-eye shades. Napili ko ang puting Honda na kotse ni Papa. Sampu lang naman ang sasakyan niya at never pa akong bumili ng sarili kong car. Nakikigamit din ako. “Mag-iingat ka, anak.” Niyakap pa ako ng parents ko. Ang Papa ko pa ang nagbukas ng pintuan at sinuri pa ang makina. Hindi naman sila OA. Sadyang worried lang sila sa akin. “May gusto po kayong pasalubong pag-uwi ko?” “Uhm, fries lang and pizza, darling,” wika naman ni Mama na mukhang nag-isip pa siya kung ano ang puwede kong bilhin sa Manila at para sa kanya. “Noted po, Mama. How about you, Daddy?” “Ang makauwi ka lang pabalik ng safe ay sapat na sa akin, anak ko.” How sweet naman. “Sure po. Sige na, baka matagalan ako sa daan. I’ll try po na umuwi.” “Kung hindi na kaya ay kahit bukas ka na lamang umuwi rito, Eljeh.” “Okay po, Papa.” Nagmaniobra na rin ako ng sasakyan at mabilis pa ang pagmamaneho ko. Sa kalayuan naman ay nakita ko ang pamilyar na pigura ng isang katawan ng lalaki at ang puting kabayo nito. Sinadya kong lampasan iyon at nang makita ko mula sa side-view mirror ko ay namukhaan ko ang lalaking mabagal ang pagpapatakbo ng kanyang kabayo. Pinaaatras ko ang kotse at binuksan ang salamin ng bintana. Nagtagpo agad ang mga mata namin. Ngumisi ako nang makita ko si Azul. “Hi, babe,” I greeted him and as usual ay walang ekspresyon ang mukha niya. “Masyado kang mabilis magmaneho ng sasakyan mo at puwede ba. Tumingin ka sa harap,” mariin na saad niya. Nakatukod ang kaliwang siko ko sa nakabukas na bintana at isang kamay ko lang ang ginamit ko sa manibela. Wala namang mga sasakyan o kabayo sa daan at malayang-malaya naman ito. Kaya kahit hindi na ako tumingin pa sa harapan ko. “Ang aga mong lumandi, Azulenzure,” ani ko dahil sa nakita kong bulaklak na dala niya. Umirap siya sa akin na tinawanan ko. “Sama ka na lang sa akin. Punta tayong club, maki-party tayo ganern. Ano—ay púta! Bastos!” sigaw ko kasi pinatakbo niya nang mabilis ang kabayo niya. Humabol pa rin ako para ma-level ko ang pagtakbo niya at ilang beses kong pinatunog ang sasakyan na dala ko. “Are you not going to miss me, Azul?” I asked him. “Azul... Azulenzure. Ang yummy mo!” sigaw ko at kumibot-kibot ang labi niya. Tila may sasabihin ngunit wala namang lumalabas mula sa kanyang bibig. “Eyes on the road!” bigla ay sigaw niya at napa-English pa siya. Hala, mas naging sexy and hot siya kapag nag-e-English. Nadagdagan ang pogi points niya sa akin. “Ako na lang ang liligawan mo. Sasagutin agad kita,” biro ko sa kanya at bumuntong-hininga na naman siya. “Ano na, Azul? Gusto ko rin ng bulaklak pero ayaw ko sa sunflower. Gusto ko tulips. Kasi ang tulips can sometimes symbolize perfect and deep love, or the power of rebirth and new beginnings. See? Ang daming meaning no’n.” “Puwede ba, kung may lakad ka umalis ka na lang.” “Naka-car po ako, hindi naglalakad,” pilosopong saad ko. “Eljehanni.” “Yes, babe?” Nag-puppy eyes pa ako sa kanya. Nag-ring naman bigla ang cellphone ko at sinagot ko iyon. “Yes?” “Na-receive mo ba ang message ko sa ’yo kagabi, Eljeh? Ngayon darating ang package mo.” “Nagbabasa naman ako at alam ko na iyon. Ba’t tumawag ka pa, aber?” kunot-noong tanong ko. “Hindi ka na ba babalik dito, Eljeh?” “Dude, bakit pa ako babalik diyan, eh nandito ang bahay ko,” ani ko at hindi ko tinanggal ang titig ko kay Azul na mabagal na naman ang paglalakad ng alaga niyang kabayo. “Eh, sa akin? Babalik ka pa ba?” “Gàgo ka. Pagkatapos nang ginawa mo ay sa tingin mo naman baba—púnyeta. We’ll talk later!” sigaw ko saka ko ibinaba ang tawag at hinagis ko ang celphone ko sa dashboard. “Azul... See you later, babe!” natatawang sigaw ko saka ko pinaharurot ang sasakyan. Dahil na rin sa mabilis ang driving ko ay isa’t kalahating oras lang ang biniyahe ko. Nag-stretch pa ako sa mga braso ko na medyo nanakit nang kaunti. Mabilis kong inasikaso ang package ko para makauwi ako ngayon. Hindi ko bibiguin ang Mama ko. Mukha kasing ma-m-miss niya ako agad. Nagbigay pa ako ng tips sa mga staff kasi nag-effort naman sila. Lunch time na noong natapos sila at sa compartment nila inilagay iyon. Nag-drive na ulit ako at hindi muna ako nag-lunch kasi actually, mag-s-shopping din naman ako ngayon. Bibili ako ng old fashion na mga dress. Iyong gustong-gusto ni Azul. Oo, i-p-pursue ko na si Azul. First time kong magka-crush sa kanya at saka wala na akong pakialam pa kay Sydney. Bahala na siya sa life niya. Alam kong wala na rin naman siyang pakialam pa sa akin. We’re just same lang. Marami akong nabili at hindi ko na napansin pa na afternoon na rin pala. Masyado rin akong nag-e-enjoy at ilang beses akong nagsukat ng mga damit. 3PM na ang nakita kong oras as this moment. I’ll drive again at bumili ng maraming fries, pizza and drinks na rin. Hindi na nagkasya ang pinamili ko sa compartment kaya mayroon na sa backseat. Lumubo ang pisngi ko kasi traffic sa EDSA. Kaloka naman, mahigit isang oras ang paghihintay ko para lang umusad ang mga sasakyan namin. Nakahinga lang ako nang maluwag ng patungo na sa probinsya namin ang takbo ng kotse ko. “Gagabihin na ako sa pag-uwi ko nito, ay.” Good condition naman ang Honda ni Papa pero sa kalagitnaan ng biyahe ay bigla na lamang itong huminto. “Ay, shít naman. Good timing,” naiiling na mura ko at saka ako bumaba para tingnan iyon. Binuksan ko ang hood sa unahan at napaubo pa ako nang lumabas ang usok. Sinuri ko ulit ang sasakyan kung bakit hindi na ito umaandar. Nagsimula nang lumubog ang araw. Pagabi na nga pero nandito pa rin ako. Ang layo pa ng biyahe, oh! Mabilis na nagtipa ang mga daliri ko sa keypad ng phone ko. Walang signal dito pero may naligaw pa naman na bar kaya makakapag-send pa naman ako ng message kay Dad. Sana lang ay mababasa niya agad. Mas lalo akong kinabahan dahil padilim na talaga siya at parang hindi nabasa ni Papa ang text message ko. OMG ka, Eljeh. Hindi naman ako takot sa dilim or sa multo. Mas worried ako sa parents ko kasi mag-aalala rin sila sa akin. 7:12 na ng gabi nang makita ko ang ilaw sa hindi kalayuan. Mabilis akong naglakad sa harapan at pumara agad ako. Huminto naman ito at napangiti ako dahil sa saya. Nakabukas din ang ilaw ng kotse kaya nang bumaba ang isang matangkad na lalaki mula sa truck ay nakilala ko kung sino. “Azul? What the fvck are you doing here?” gulat kong tanong. Hindi niya ako pinansin at basta na lamang siya pumasok sa sakayan. May kung ano siyang hinanap doon at nakita ko na rope lang pala ang kinuha niya. Pinapanood ko lamang siya na itinatali ito. Hindi naman iyon nagtagal at hinawakan niya ang pulso ko. Mabilis kong binawi. “Uuwi na tayo, Eljehanni,” malamig na saad niya. “Sasakay pa rin ako sa kotse ko,” ani ko pero hinaklit niya lang ulit ang siko ko saka niya ako hinila. “Mas ligtas dito.” “Pero ang kotse ko ni Papa.” Binuksan niya ang pintuan at binuhat ako para lang makasakay na ako. Wala na akong choice pa. Kinabit ko na lamang ang seatbelt ko. Marunong pala siyang magmaneho at isa pang malaking truck. “Inutusan ka ba ng Papa ko?” “Bakit hindi ka na lang nagpahatid? Bakit kailangan bumiyahe ka pa nang mag-isa? Alam mong delikado.” “Ngek. Safe naman ang probinsya natin, oy,” ani ko. “At bakit ba ikaw ang sumundo sa akin?” He started the engine at tumingin pa ako sa likuran. Para makita ang Honda. “Ang sabi ng Mama mo ay package lang ang kukunin mo. Bakit natagalan ka pa rin?” he asked me. “Ba’t ko naman sasabihin sa ’yo? Friends ba tayo?” pambabara ko sa kanya at mariin niyang tiniklop ang bibig niya. “But thanks na rin. Akala ko ay matutulog na ako sa gilid ng kalsada.” “Sa susunod magsama ka,” paalala niya. “Tinanggihan mo naman ako, ’di ba? Kumusta pala ang pagiging malandi mo? Nakuha mo na ba ang matamis niyang ‘oo’?” “Tahimik.” “Ang sungit mo po. Pasalamat ka yummy ka.” Pinilig niya ang ulo niya at humugot nang malalim na hininga. “Sana ay ma-busted ka,” bulong ko at kunot-noong sinulyapan ako. He was really silent kaya parang inaantok na rin ako pero nag-alburoto na ang tiyan ko. “Nalipasan ka na ng gutom. Psh.” “Yeah. Hindi rin ako kumain ng lunch kanina. May binili akong—oh. What’s this?” I asked him kasi ibinigay niya sa akin ang puting supot at hindi na kailangan pang tingnan ito. “Kalabasa,” nakangiting sambit ko. Kanina na may half-cooked eggs at saka gulay na kalabasa. May kutsara na rin. “Bakit may baon ka, Azul?” curious kong tanong. Napataas pa ang kilay kasi mainit pa ang kanin. “Ang sarap!” bulalas ko. Kumakain na nga ako habang nasa biyahe na at sa sobrang gutom ko ay naubos ko iyon lahat. Ang kaso lang ay huminto na naman kami kasi kailangan kong umihi. “Baba ka na.” “Madilim na, Azul. Baka may multo,” ani ko. Kasasabi ko lang naman na hindi ako takot sa multo pero kasi may kaunti na akong takot. “Tsk. Bababa rin ako.” “Pero, Azul. Maghuhubad ba ako?” “Ano ba talaga ang problema mo, Eljehanni?” naiinis niyang tanong. I chuckled softly. “Iyong jumpsuit ko kasi, huhubarin ko at makikita ang dibdib ko,” ani ko at mariin siyang napapikit. Nakanguso ako. Kinuha niya ang jacket niya at inabot iyon sa akin. Kinuha ko naman at inamoy ko pa. Napangisi ako. Nakaraos din naman ako at bumiyahe ulit. Ang kaso ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising ako noong huminto na rin ang struck. Bumukas ang pintuan sa side ko at si Papa ang sumalubong sa akin. Tinanggal ko ang seatbelt ko at inalalayan ako na makababa ng papa ko. Hinalikan pa niya ako sa sentido ko. “I was worried, anak. Thank you, Azul.” “Wala pong anuman, Señor.” “Nakatulog pala ako,” saad ko. “Darling.” I looked at my mother. “Hi, Mama.” Niyakap ako ng aking ina. “Finally, you are safe, anak ko.” “Sige na pumasok na kayo ng Mama mo, anak,” sabi ni Papa. Binalingan ko si Azul. “Salamat, Azul. See you tomorrow,” inaantok ko pang saad at nag-wave pa sa kanya. *** In the next day ay pagod na pagod ang katawan ko. Kasalanan ko naman kasi marami akong ginawa kahapon. Sa balkonahe ako tumambay at nakita ko si Azul na nagdidilig na ng mga pananim niya. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pang gawin iyon. Balik work na kaya siya? Hindi na siya pupunta sa kabilang bayan para landiin ang babaeng nililigawan niya? “Good morning, Azul!” pasigaw na bati ko at awtomatikong sumulyap siya sa akin. Kumaway pa ako sa kanya. Mapungay ang eyes ko habang nakatukod ang dalawang siko ko sa railings. “Come here na sa baba, darling. Kumain na tayo ng breakfast.” Nasa baba rin pala si Mama. Sumunod naman ako pero wala na roon si Azul. “Si Azul po?” I asked my mother. “Umalis na. Pupunta na naman siya sa kabilang bayan,” si Papa naman ang sumagot. “May babaeng nililigawan na po si Azul, ’no?” nakangusong tanong ko. Umupo na rin ako kasi may nakahanda ng foods sa round table. “Yes. Ngayon mo lang nalaman, anak?” I nodded. “Pero, anak. Ang tagal niya rito kahapon. Tinanong pa niya ako kung nakauwi ka na ba. Tapos noong ako na sana ang susundo sa ’yo ay nagpresenta siya.” “He’s very worried, darling.” “Weh? Seryoso po ba ’yan, ’Ma?” My eyes widened in shocked nang tumango na rin si Papa. “Inaya ko po kaya siya na sumama sa akin yesterday. Nadaanan ko siya kanina. Sabi ko ang aga niyang malandi, may dala-dala pa siyang punpon ng bulaklak at hindi ko pa bet. Sunflower kasi, mas gusto ko ang tulips. Deep love ang meaning,” nakangiting sambit ko. “Ang dami mo talagang alam, anak. Huwag kang masyadong umasa kay Azul. Tatlong buwan na niyang nililigawan ang anak ng kapatid ng ninong mo, Eljeh,” ani Papa. Isabella Ledesma... Ninong Enrile Ledesma...
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม