Chapter 10: Hunter & Kallix
JUST like what I said ay maganda nga ang panahon ngayon. Kahit tirik na tirik ang araw ay hindi naman siya masyadong mainit. Kasi nga probinsya ito at matatayog ang mga punong kahoy. Kahit galing kami sa munting bayan ay hindi rin siya mainit. Fresh pa ang air dito and peaceful.
Mabagal ang pagpapatakbo namin ng mga kabayo. Ewan ko kay Azul. Marunong naman akong mangabayo, eh pero gusto yata ng isang ito na magmala-turtle kami sa super bagal.
“Hiyah!” sigaw ko para patakbuhin si Vip. Mahigpit kong hinawakan ang tali nito baka kasi mabitawan ko na naman at sa lupa na naman ako babagsak.
Okay lang sana if sasaluhin ako ni Azul, ’no? Hehe. Kahit himatayin pa ako ay oks lang. Basta ba sa mga bisig niya ako babagsak.
“Eljehanni!” sigaw sa akin ni Azul dahil nilagpasan ko sila. Kumaway lamang ako sa kanya at kumindat. Natatawang umiiling na lamang ako.
Walang choice si Azul kundi ang habulin din ako. Masyado siyang gentleman At takot din siyang mahulog si Isabella. Nasa likuran nga niya ito at mahigpit ang kapit sa baywang niya. Kung sana ay nakipagpalit na lamang ito sa akin, ’no?
Okay na okay sana...
Masama agad ang tingin ni Azul nang magpantay ang aming mga kabayo. Tumaas ang sulok ng mga labi ko. Ang sarap niyang pag-trip-an. Badtrip na badtrip din siya.
“Bakit kasi ang bagal ng kabayo mo? Bukas tayo makararating niyan!” sigaw ko sa kanya at nanatiling nakatitig lang din sa aking direksyon ang babaeng nililigawan niya.
“Bakit ba kasi sumama ka pa?” balik na tanong niya.
“Bakit ba ang sungit mo? Ikaw ba ang nagpasama sa akin? Sisihin mo si Isabella! Siya kaya ang may gusto na sumama ako sa inyo!” asik ko at itinuro ko pa ang babae para lang mapasinghap ito. Kagustuhan ko ang sumama sa kanila pero choice rin nila if gusto nila akong kasama sa pupuntahan nila.
“Talagang...”
“Kapag sinabi niyang ayaw ay hindi naman ako sasama, ’no,” pagdadahilan ko pa. Mariin siyang napapikit sa sobrang frustration na nararamdaman niya. Kulang na lamang ay sabunutan niya ako.
Nang muli kong pinabilis ang pagpapatakbo ay humabol na sila kaya nakarating agad kami sa isang malawak na farm sa ilang minutong nakalipas. Namamangha pa ako pero walang-wala ito sa lupain namin. Mas maganda at malawak ang farm namin.
Hindi pa agad ako bumaba kasi sa hindi kalayuan ay may nakatayo na isang mansion doon at pamilyar ito. May kataasan ang lugar nito kung kaya’t makikita mo siya mula sa baba ng sobrang linaw.
Naalala ko na. Nakarating na ako rito noong bata pa lamang ako dahil dito nakatira ang ninong ko. Nawalan lang ako ng update sa kanya noong nag-aral na ako sa college and I went to abroad too. Ngunit hindi pa ganito kaganda ang farm nila.
Napapitlag naman ako nang may humawak sa kamay ko at tinanggal ang tali ni Vip. Nagbaba ako nang tingin para lang makita ko ang malaki at maugat na kamay ni Azul. Kakaiba ang hatid ng mainit niyang palad. Tila may kuryente roon na dumadaloy sa aking ugat.
Nang sa wakas ay nabitawan ko na ay mahinang suminghap ako nang dumapo ang magkabilang kamay niya sa aking baywang at maingat niya akong ibinaba.
Napatikhim siya nang maramdaman niya na marahil ang bigat ko. Hindi naman ako mataba at hindi rin ako mabigat. Skinny ako, hindi naman dahil ay palagi akong nag-d-diet. I don’t know that word, psh. Exercise lang naman ang kailangan para ma-digest ang kinakain ko.
Tumingala pa ako sa guwapo niyang mukha nang makaapak na ako sa lupa. Mariin na nakatikom lang ang kanyang mga labi at saka niya itinali sa isang puno ang kabayo ko.
Doon ko lang napansin si Isabella na nakatutok na pala ang atensyon niya sa amin. Seryoso ang bawat titig niya pero nang kumaway ako ay maliit na ngiti ang sumilay sa lips niya. Akala ko ay badtrip na rin siya.
“Tara, doon muna tayo sa bahay,” pag-aaya niya at nauna siyang naglakad. Itinaas pa niya ang mahaba niyang palda para hindi siya matapilok. Isang kahibangan nga ang tularan ang pananamit niya.
“Ay!” bulalas ko nang may malakas na tumulak sa akin mula sa likuran ko. Ang poker-faced ni Azul ang bumungad sa paningin ko. Nang makita niyang hindi ako kumikilos mula sa kinakatayuan ko ay muli siyang lumapit.
Naglakad siya na kasabay ko at nasa likod ko ang kaliwang palad niya para akayin ako na maglakad. Sinusupil ko ang ngiti sa labi ko dahil may pagkakataon na gentleman naman pala siya.
Dumistansya lamang si Azul nang makalapit na kami sa mansion at mayroon itong malaking green house. Punong-puno ng bulaklak ang hardin nila. Sa isang garahe ay maraming mamahalin na sasakyan doon.
“Lapit kayong dalawa rito.” Sumunod ako kay Azul at hindi ko maiwasan ang mamangha sa nakikita ko sa baba.
Mula pala rito ay mas malinaw mong makikita ang farm at sa pinakadulo nito ay ang aming...
“Ha? Kitang-kita pala here ang villa namin!” bulalas ko sa sobrang gulat at nakakatwang bagay lang.
To be honest ay hindi literal na bahay—villa ang makikita. Ang malaking gate namin mismo ngunit may kalayuan din ito.
“Ikaw nga pala talaga ang eredera ng pamilyang Ciesta,” komento ni Isabella na tinanguan ko.
“Kung tutuusin ay sakop pa rin namin ang lupain na ito,” ani ko at mabilis akong sinita ni Azul. I shrugged dahil may katotohanan naman sa sinabi ko.
“Nabili ni Papa ang lupain niyo. Tama ka riyan, Eljeh.”
“Sabi ko sa ’yo, eh,” ani ko at nang makita ko ang pagkain na hinahain ng servant nila ay sinunggaban ko iyon. Hindi ako patay-gutom pero...paborito kong kainin ang puso ng manok.
Tama, manok ang hinahain nilang pagkain at sa iba’t ibang putahe nilang niluto iyon.
“Dahan-dahan naman. Hindi ka mauubusan,” mahinang sita ni Azul. Sila ng babae niya ang magkatabing nakaupo, samantala ay mag-isa lamang ako rito. Binigyan pa niya ako ng isang basong tubig.
“Wala ba kayong wine or beer diyan, Isabella?” tanong ko habang ngumunguya ng manok na may sauce.
“Ha? Beer?”
“Eljehanni.”
“Mas masarap ang beer kaysa sa kanin,” saad ko pa. Azulenzure glared at me. Napa-peace sign ako para hindi na niya ako pagalitan pa ay naglagay ako ng ulam sa pinggan niya.
Hindi pa man umiinit ang inuupuan ko nang makita ko ang dalawang matangkad na lalaki. Naglalakad sila palapit sa aming direksyon at muntik na akong mabulunan nang makilala ko ang mukha nila. May dala pa silang punpon ng bulaklak.
Pinagsalin ulit ako ng tubig ni Azul at ininom ko agad iyon nang hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanila.
“Ano ba? Umayos ka, Eljehanni,” sita niya ulit at wala sa sariling itinuro ko ang dalawang parating na. Sabay silang napalingon ni Isabella at sumilay agad ang ngiti nito.
“Nandiyan na pala sina Hunter at Kallix.”
Sila iyong kababata ko! Ang tanda na pala nila!
Lumipat sa tabi ko si Azul kasi dadaan sa side niya si Isabella. Nakatutok pa rin ang atensyon ko sa dalawa at mangha-mangha pa pero nang may tumikhim sa tabi ko ay nagbaba ako nang tingin para ipagpatuloy ang pagkain ko. Iyon nga lang ay napakunot ako ng noo.
“Bakit ang daming kanin dito? Beer ang gusto ko,” sabi ko at ibabalik ko na sana iyon nang magsalita na naman si Azul.
“Ubusin mo ’yan.” Sumimangot tuloy ako and no choice na kundi ang ubusin ang kanin sa pinggan ko.
“Hindi ba dapat bukas pa kayo dadalaw sa akin? Para kay Azul ang araw na ito, Hunter, Kallix,” narinig kong saad ng babae.
“Parehas lang naman iyon at saka—teka, may kasama pala kayong babae?” Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Hunter.
“Ah, oo. Si Eljeh. Kilala niyo siya? Doon sa villa Ciesta siya nakatira.”
“Eljeh? Eljehanni ba?”
“Si Jejeh?” Boses naman iyon ni Kallix.
Jejeh, iyon ang dating pangalan ko na sila mismo ang nagbigay sa akin dahil sa haba raw ng name ko kaya pinaikli nila.
“Si Jejeh ba ’yong mahilig maligo sa ulan at putikan noon?”
“Excuse me!” sabat ko. Matatanggap ko pa kapag ulan lang ang sinabi niya pero ano raw? God, putikan?!
“Tama nga ako na si Jejeh!”
Lalapit sana sa akin ang dalawa nang hinarangan sila ni Azul. Ako ang kusang tumayo pero mabilis niya lang akong pinaupo ulit.
“Hindi ka pa tapos kumain, Eljehanni,” saad nito. Ininguso ko ang dalawang lalaki.
“Mga kababata ko ’yan, eh.” Noong high school pa lamang kami ay nagkasama naman kami sa iisang paaralan. Kasama na ang kambal pero sa ngayon ay wala pa akong balita sa Veracia brothers na iyon.
Sinipa ko nang marahan ang binti niya pero ayaw niya talaga akong padaanin.
“Long time no see, Jejeh!”
“Aba, bakit ganyan na ang pananamit mo? Jejeh, hindi bagay sa ’yo ang damit ni Maria Clara,” pang-aasar ni Hunter para lang samaan ko siya nang tingin.
“Mukha mo! Ang pangit pa rin ng tang-ina ’to!” Sa halip na ma-offend siya sa sinabi ko ay malakas na natawa lang siya. Si Kallix na mahilig mang-asar. “Tingnan mo si Hunter. Wala ng laman ang tiyan niya,” ani ko at itinuro ko pa siya.
Paano kasi mataba siya dati at siya ang palaging naiiwan sa tuwing may lakad kami. Ang bagal niya kasing maglakad.
“Ano’ng walang laman? Mayroon pa, ’no. Abs na ’to.” Inirapan ko si Hunter.
“Kilala mo pala siya, Azul?” tanong naman ni Kallix.
“Ano sa tingin mo?” masungit na sambit lang nito. Hay, naku. Suplado talaga.