Chapter 20: Away-bati
NANG maibaba na ako ni Azul at nakatapak na rin sa lupa ang mga paa ko ay maririnig ang tunog ng batis at malamig ang pagdampi ng hangin sa balat ko. Grabe na this, ang ganda pala here. Kung stress ka ay puwede kang pumunta rito at makapag-r-relax ka pa. Maraming bato sa batis at matataas ang mga damo. Sa sobrang ganda nito ay nagliliwanag pa ang tubig na parang may kislap din.
“Tama. Naalala ko na. Naalala ko na ang batis na ito. Madalas akong pumupunta rito,” nakangiting pagbibida ko kay Azul. Maaliwalas na ang bukas ng mukha niya na mukhang pati siya ay nasisiyahan din.
Malayong-malayo na siya sa Azul na nakilala ko noong kagagaling ko pa lamang sa America. Na iyong Azul na masungit at hindi maginoo. Isang mabait na Azul na ang kasama ko ngayon at na-crushback na rin ako.
Paika-ika akong lumapit. Hinawakan naman niya ako sa siko ko bago ko pa man marating ang pupuntahan ko. Tinanggal niya ang vest niya at inilapag iyon sa damuhan saka niya ako iginiya paupo.
Nakaluhod din ang isang binti niya at hinubad niya ang sandal ko. Nang hawakan niya ang talampakan ko ay napadaing pa ako.
“Sa susunod ay mag-iingat ka na at huwag kang basta-bastang tumatalon,” paalala pa niya and I just pouted. Nang mapansin niya ang gesture ko ay napailing siya. “Parang bata.”
May pag-iingat niyang minasahe ang ankle ko at nakararamdam ako nang kiliti. Mainit kasi ang palad niya.
“Ganito na ako noong bata pa lamang ako. Hyper lang talaga ako,” I reasoned out. Nasa ibabaw na ng hita niya ang paa ko.
“Pipisilin ko lang ito nang mariin.”
“Ha, bakit mo naman pipi—ouch! Fvck! That hurts, Azul!” sigaw ko at nag-init agad ang sulok ng mga mata ko. Inikot-ikot niya ang ankle ko at may pinisil pa siya roon na parang bone ko na nga iyon kaya nakaramdam ako ng kirot doon.
Sa biglaan na pagsakit ay hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak. Minasahe niya lang ang paa ko at lumapit lalo sa akin para yakapin ako. Hinalikan niya rin ang sentido ko. Humawak ako sa damit niya.
“Pasensiya na. Kailangan ko lang talagang puwersahin iyon,” mahinang saad niya pero hinampas ko lang siya sa dibdib niya. He just caressed my hair and kissed my temple again and again. “Iyakin ka pala.”
“S-Sino naman ang hindi maiiyak kung iikutin mo nang ganoon ang paa ko?! Masakit kaya ’yon!” reklamo ko na sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Hinuhuli iyon ng hinlalaki niyang daliri para punasan.
“Alam ko. Alam ko na masakit. Dahil hindi ka naman iiyak nang ganyan kung hindi,” tumatangong sabi niya at dinala pa niya ang ulo ko sa dibdib niya para ihilig iyon doon.
Umiiyak lang ako habang wala siyang tigil sa pagpapatahan at paghalik sa akin. Nang marinig ko ang malakas na kabog sa dibdib niya ay umurong ang mga luha ko at napasinghot na lamang ako. Mas lalo akong sumiksik sa kanya para mas marinig ko iyon nang malinaw.
“B-Bakit ang bilis nang t***k ng puso mo, Azul?” I asked him. Iyon talaga ang pumukaw ng atensyon ko. Kasi hindi naman iyon normal heartbeat. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil parehong-pareho ang t***k nito na parang sumasabay rin. Hala, akala ko ay sa akin lang ang ganitong klaseng t***k ng puso. Pati pala iyong kanya.
“Dahil iyon sa ’yo,” sagot niya sa mahinang boses pa. Muli ko siyang tiningala at napapikit pa ako nang halikan niya ang tungki ng ilong ko. Uminit na naman ang pisngi ko. Panay halik na siya.
“Weh?” nakataas ang kilay na sambit ko.
“Ikaw, palagi mo na lang akong binabara. Sinisira mo ang sandali natin.” I frowned. Ito ba ay kasing kahulugan din ng ‘sinisira ang moment?’ Kakaiba talaga itong si Azul. Lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Ayie. “Igalaw mo na ang paa mo kung wala ka nang mararamdaman na sakit.”
Bahagya na siyang humiwalay sa akin pero nakaupo pa rin naman siya sa gilid ko. Ang isang braso niya ay nasa baywang ko pa rin.
Napangiti na ako nang wala na akong maramdaman pa na kirot. Nag-thumps pa ako sa kanya at kumuha nang balanse sa balikat niya para makatayo.
Hinawakan ko ang dulo ng shirt ko at huhubarin na sana ito nang pinigilan na naman niya ako.
“Eh?” Binalingan ko siya na kunot na kunot ang noo.
“Bakit ka naghuhubad?” salubong ang kilay na tanong niya.
“Malamang maliligo ako,” pabalang na sagot ko.
“Hindi ka ba puwedeng maligo nang nakadamit?”
“Ha? Saan ka naman nakakita ng tao na naliligo sa batis ng nakasuot pa ng shirt?” tanong ko na confuse na confuse. Masyado naman yata siyang relihiyoso. Parang maghuhubad ako kung makapag-react din siya. Gayong wala namang tao at kami lang. Saka kahit sa beach na marami pang tao ay may mga naka-bikini rin na mga babae, ano?
“Huwag mong sabihin na naliligo ka nang nakahubad?” malamig na tanong niya at napahawak pa siya sa baywang niya. Ano’ng klaseng tanong naman itong lumabas sa bibig niya?
“May underwear ako, tánga! Sino naman ang maliligo sa public place nang nakahubad?! Aba, bold iyon!” He pinched the bridge of his nose and shook his head.
“Hindi ako tanga, Eljehanni. Ang bibig mo. Gusto mo yatang dagdagan ang sugat diyan?” nanghahamon na tanong niya kaya napairap ako. Itinuro pa niya kasi ang labi ko. Nagtanong nga ang parents ko kung bakit may putok sa lips ko. Ang sagot ko ay nakagat ko lang.
Alangan na sabihin ko sa kanila na nakipaglaplapan ako kay Azul? Eh, ang alam din nila ay hindi pa kami nagkakasundo nito at snob muna ang crush ko. Char, kahit na umamin na siya sa true feelings niya.
“Mabigat kapag nakadamit ako habang lumalangoy sa tubig! Wala namang tao maliban sa atin, ah!” asik ko pa at muli akong sinubukan ang paghuhubad ko ngunit pinigilan na naman niya ako. “Ano ba talaga ang problema mo, Azulenzure?!” naiiritang tanong ko at kulang na lang ay magpadyak na ako sa sobrang frustrated sa kanya. Kanina pa siya, ah. Napupuno na ako or punong-puno na nga ako.
“Lalaki ako, Eljehanni!”
“Malamang! Oo, lalaki ka! Alangan naman na babae, ’di ba?!” Pinaningkitan na niya ako ng mga mata at bumuntong-hininga.
“Hindi mo ba nakukuha kung ano ang punto ko, Eljehanni?” tanong niya. Tila nauubusan na rin siya ng pasensiya. Ganoon din naman ako. Tse!
“Eh, ano nga?! Hindi kita maintindihan!” Sa gigil ko ay inabot ko na ang buhok niya para sabunutan siya. Kanina pa siya, eh! Hindi na siya maintindihan pa!
“Tsk.”
Hindi man lang siya umiwas noong hinihila ko na ang kanyang buhok sa halip ay binuhat niya ako. Dinala niya sa magkabilang baywang niya ang mga binti ko at naglakad siya. Mabilis niyang tinanggal ang bota niya at lumusong sa tubig.
“Ang sandal ko mababasa, Azul!” natatarantang sigaw ko. Ingat na ingat ako sa mga gamit ko kahit kayang-kaya kong bumili ng bago.
“Hubarin mo na lang,” sabi niya lamang. Kumapit na ako sa leeg niya at sinubukan ko na ngang hubarin iyon at ibinato ko lang doon sa vest niya.
Umabot na hanggang baywang niya ang tubig kaya ibinaba na rin niya ako. Nanginig pa ang katawan ko kasi malamig ang batis. Hindi ko na rin pinansin pa ang damit ko and pants ko kasi nakuha na ng atensyon ko ang pagligo.
Malapad ang ngiti ko at humiwalay ako kay Azul. Lumusong muna ako sa ilalim nito para mabasa naman ang buhok ko kaya lumutang-lutang na ito.
Hindi umalis sa kinakatayuan niya si Azul at pinagmamasdan niya lamang ako habang lumalangoy.
“Don’t watch me, Azul. Lumangoy ka na rin,” sambit ko.
“Ang bilis magbago ang mood mo o tamang sabihin na madali ka lang pasayahin,” aniya at ngumiti lamang ako sa kanya.
Sinunod naman niya ang sinabi ko. Iyon nga lang ay pilit niya akong hinahabol kaya lumalayo ako sa kanya. Siguro naman ay walang malalim sa parte ng batis na ito. Baka mamaya ay wala na akong maapakan pa.
Na-distract ako sa pag-iisip kong iyon kung kaya’t hindi ko na namalayan na nakalapit na rin pala si Azul. He wrapped his arms around my waist. Napatayo ako nang tuwid at humawak sa balikat niya saka ko siya tiningala.
Ang guwapo niya kahit basang sisiw na rin siya. Mas naging hot siya sa aking paningin kasi basang-basa ang buhok niya. Grabe, perpektong-perpekto ang hugis ng mukha niya at ang physical features niya.
Tumingkayad ako para abutin ang mukha niya pero kusa siyang humilig sa akin at higit niya akong hinapit sa aking baywang. Napapikit ako nang dumampi ang mainit at malambot niyang mga labi. Mabilis na gumalaw agad ang mga ito. Mapusok at marubdob ang bawat halik namin. Nakadadala at tila nasa alapaap na ako sa sobrang sarap—ang halik niya ang tinutukoy ko. Tila kumakain ako ng isang candy sa tamis nito na ayos lang mamaga ang lips ko basta matikman ko ito araw-araw.
Namalayan ko na lamang ang isang palad niya na nasa dibdib ko na kaya hinawakan ko iyon at tinanggal. Itinulak ko na siya sa dibdib niya at dumaing pa siya nang maghiwalay ang mga labi namin.
“Hindi tayo puwedeng mag-kiss kasi wala naman tayong label,” usal ko at tumaas lang ang sulok ng mga labi niya.
“Tara na umuwi? Hindi ka pa kumakain ng agahan mo,” aniya at hinila na niya ako. Hindi na niya ako hinintay pa na sumagot at basta na lamang niya akong hinila. Hinubad pa niya ang t-shirt niya at napanguso ako. “Oh, bakit?” untag na tanong niya.
“Bakit ikaw ay puwedeng maghubad? Bakit ako hindi puwede?” tanong ko.
“Dahil dito,” sagot niya at itinaas ang neckline ng shirt ko. “Isuot mo ito kahit basa na.”
“Eh, bakit? Basa naman ito, ah,” katwiran ko. Pabiro pa niyang pinisil ang tungki ng ilong ko.
“Bumabakat ang itim na tela sa ilalim ng damit mo,” sabi niya lang at bumaba ang dibdib ko. Visible nga ang black brassier ko. Isinuot na niya sa akin ang basa niyang t-shirt. Ang laki na parang nagkumot lang ako. Chos.
Ang vest niya ang isinuot niya pero sexy pa rin siyang tingnan. Litaw na litaw ang malapad at matigas niyang dibdib pababa sa abs niya.
“Azul,” I uttered his name.
“Tara na.” Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman iyon.
Nang pauwi na kami ay nakarinig pa kami nang sunod-sunod na yabag ng kabayo at mukhang humahabol ito sa amin. When I looked at them over my shoulder my eyes widened in shocked.
“Oh, the Veracia brothers!” masayang bulalas ko nang makilala ko ang kambal na sakay ng mga kabayo nila.
“Ang mga Veracia ’yan ay kilala mo?” tanong ni Azul at tumango ako.
“Hey, Veracia brothers!” sigaw ko para makuha ang atensyon nila. Kumaway pa ako at mabuti na lamang ay hindi na pinatakbo ni Azul nang mabilis ang kabayo namin.
“Ho!”
“Stop it, buddy.”
Umikot pa sila sa amin at salubong ang kilay nila habang pinagmamasdan kami. Ang guwapo naman ng magkambal na ito. Magkamukhang-magkamukha sila pero nakikilala ko pa rin naman kung sino si Rolf at Wolf.
“Hey, Azul.”
“What’s up, bro?” I frowned dahil hindi nila ako pinansin. Gusto ko rin silang tawanan kasi hindi man lang sumagot ang kasama ko. Nakatatampo naman sila.
“Oh, hi there Eljehanni!”
“Si Eljeh? Long time no see, beautiful!”
“Akala ko ay hindi niyo na ako kilala,” nakasimangot na sabi ko at humalakhak pa si Rolf. Typically na happy-go-lucky ang isang ito at si Wolf naman ay seryoso lang pero nakangisi rin siya.
“Ikaw? Kalilimutan namin? Mahilig kang lumangoy—”
“Oh, shut up, Wolf!” sigaw ko at natawa na siya. Bakit ba hindi nila makalimutan iyon?
“Let’s go? Party tayo?”
“Ngayon na?” Nanlaki pa ang mga mata ko. Oh, I love party!
“Yeah.”
“Hindi.”
“Wait, kayo ni Azul?” Umiling ako.
“We—” Nag-peace sign ako. Pinisil kasi ni Azul ang baywang ko. “Next time na lang, hmm? Look at me, basang sisiw na ako,” ani ko and they nodded in unison.
“Oh, okay. Magsabi ka lang kung kailan mo gusto,” ani Rolf.
“Sige ba,” pagsang-ayon ko.
“Nice to meet you again, Eljeh.”
“Me too, Eljeh.”
“Me three!” I uttered.
Hindi na kami bumababa pa kasi kailangan na nga naming umuwi agad. Ang akala ko nga rin ay ihahatid na ako ni Azul sa villa namin.
“Bakit mo ako dinala rito sa bahay niyo, Azul?” tanong ko.
“Mas malapit lang kasi ang bahay namin dito,” sagot niya.
“Pareho lang naman malayo at mas better pa sa villa namin,” ani ko.
Pagpasok namin sa loob ay maghihintay lang sana ako sa sala nila pero hinigit pa rin niya ako. Pinapasok niya ako sa kanyang silid. Malalaman ko naman kung kaninong room ito kasi nakita ko ang litrato niya at amoy na amoy ko ang perfume na gamit niya.
Nagtungo siya sa kabinet niya at naghanap yata ng maisusuot ko. In-expect ko na damit na naman niya ang susuotin ko pero isang puting bestida iyon na may manggas.
“Bakit may ganyan ka?”
“Magpalit ka na lang at doon na ako sa labas.” Kumuha rin siya ng damit na pampalit niya. Paglabas niya ay dinampot ko na ang damit para makapagbihis na rin ako.
Tumulis ang labi ko, kasi naman may damit siyang pambabae. Tapos. “Hala, oh! May underwear pa! Ang lalaking iyon.” Huwag niyang sabihin na hindi lang ako ang babaeng unang nakapasok sa silid niya?
Kung makaasta naman ako ay parang girlfriend ako ng lalaking iyon at nagseselos ako o tamang sabihin ay pinagdududahan ko siya na may ibang babae. Grr. Feeling ’yan, Eljehanni?
Kasyang-kasya sa akin ang bestida. Lagpas tuhod ko ang haba niya. Simple lang siya kung tutuusin pero may burda siyang red tulips. Mag-a-assume na lamang ako na binili niya ito for me. Hehehe.
Sinuklay ko ang buhok ko at wala naman akong nahanap na hairdryer. Lumabas na rin ako at hinanap ko si Azul. Sa kusina nila ako pumunta at naamoy ko agad ang aroma ng niluluto niya. Nakatalikod siya mula sa pintuan.
“Azul? Uuwi na ako,” paalam ko. Mabilis niya akong nilingon.
“Mamaya na. Ihahatid naman kita sa inyo. Maupo ka muna rito,” sabi niya. Ininguso pa niya ang mesa.
“Joke ko lang naman iyon, ’no. Alam ko naman na magluluto ka ng breakfast ko. Ang sweet mo naman. Sana hindi na iyan mag-expire, ha?”
“Psh. Maupo ka na at hintayin mo lang ito. Matatapos na rin naman ako.” Umupo na nga ako ayon sa gusto niya.
“Paano ka nga pala pumunta roon sa kabilang bayan?”
“May sasakyan,” pilosopong sagot niya na ikinairap ko.
“Ang damit na ito, Azul? Kanino ito?” tanong ko at itinuro ko pa ang bestida ko.
“Malamang suot mo. Eh, ’di sa ’yo. Kanino pa ba nga ba? Sa akin?” Mariin akong napapikit.
“Hindi ako natutuwa, Azulenzure,” may diin na wika ko. Huwag na huwag niyang painitin ang ulo ko. May kinalalagyan siya.
“Kay Lola siguro?”
“Sa tingin mo naman ay nagsusuot ng ganito ang lola mo?” malamig na tanong ko.
“Ang ingay mo, Eljehanni.”
“Kanina ka pa, ha. Iiwanan kita rito.”
“Okay, hindi na ako magsasalita pa. Kahit ikaw itong makulit sa ating dalawa.” I stood up from my seat pero nang ibaba niya ang iniluluto niya na kalabasa. Bumalik ako sa seat ko at may multong ngiti na naman siya. “Kain na. Para sa ’yo ang lahat ng ito.”
“Kakain talaga ako, aba!” ani ko.
Inasikaso na naman niya ako at marami pa siyang inilagay na kanin. Ginising kalabasa ang pinaka-favorite ko. May adobong manok din siyang hinanda.
“Ubusin mo.”
“Ang sarap!” nakangiting bulalas ko at kahit ang amoy niya ay mukhang masarap na. Ang galing-galing niyang magluto. Talo pa ako.
“Ikaw? Ano ang kaya mong iluto mo para sa akin?” he asked me.
“Wala,” mabilis na sagot ko. He shook his head.
“Wala?”
“Oo. Hindi ako marunong magluto,” usal ko at sunod-sunod ang sumubo ng pagkain.
“Ayos lang.”
“Ano’ng ayos lang?”
“Ayos lang kasi kaya naman kitang ipagluto,” sabi niya tapos ngumiti na naman. Hindi na siya madamot at palagi na niya akong nginingitian.
“Baka mapagod kang ipagluto ako. Matakaw pa naman ako,” wika ko pa.
“Hindi. Para sa ’yo.”
“Stop na nga muna, Azul! Mamaya na tayong magligawan! Pakainin mo muna ako, okay?” Kumindat pa ako sa kanya at humalakhak na naman siya.
“Sige po,” masunurin na sabi niya.
Busy na ako sa pag-ubos ng pagkain sa plate ko at si Azul ay halos hindi na niya galawin pa ang kinakain niya dahil sa panonood niya.
“Just eat will you? Huwag mo akong panoorin,” supladang wika ko.
“Hindi ko lang maiwasan, Eljehanni.”
“Ang alin naman?”
“Ang titigan ka buong oras kasi, ang dungis mong kumain.”
“Not funny,” I blurted out and rolled my eyes.
“Parang bata,” he commented at pinunasan niya ang gilid ng labi ko.
“Ayos lang, maganda naman ako.” Nagbubuhat na ako ng sarili kong upuan.
“Oo, maganda ka. Magandang-maganda,” pagsang-ayon niya.
“Puwede ba akong pumunta rito ulit, Azul?” untag na tanong ko. Umiling siya.
“Hindi puwede.”
“Sa palengke? Tutulong ako sa lola mo,” giit ko pa.
“Hindi rin puwede.”
“Grabe, bakit ayaw mo?” malungkot na tanong ko.
“Dahil ako mismo ang susundo sa ’yo kapag gusto mong pumunta rito sa bahay namin. Ako ang magdadala sa ’yo sa palengke para hindi ka na mahirapan pa.” Napayuko na lamang ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Kinikilig na naman ako.
“Ampüta,” pabulong na mura ko.
“Narinig ko ’yon, Eljehanni. Pipitikin ko na ’yang labi mo,” he warned me. Sinamaan pa nga niya ako nang tingin.
“Oh, pitikin mo,” hamon ko pa kaya umamba siya na pipitikin na nga ang bibig ko na tumama iyon sa aking noo.
“Kumain ka na lang. Pupuntahan pa natin sina Lola at ang pinsan ko.”
“Okay po.”