"Pst!" pangungulit ko sa kanya. "Hmm?" hinigpitan niya ang pagyakap sakin. Dinampian niya ng halik ang kamay ko. Nilaro-laro ko ang daliri ko sa ibabaw ng dibdib niya. Naramdaman kong inaamoy niya ang buhok ko. Buti na lang kakaligo ko lang. Natigilan ako nang may maalala ako. Agad akong bumangon at lumayo sa kanya. Napakunot ang noo niya. "Bakit?" tanong niya. "Anong meron sa inyo ni Kaliah? Sabi nila nagd-date daw kayo tapos hinahatid mo pa siya sa kanila." nakasimangot na sabi ko. Napangisi siya at muli akong hinila palapit sa kanya. Niyakap niya ulit ako. "Hindi ko hinahatid pauwi si Kaliah, at mas lalong hindi ko siya dine-date. Actually, ikaw ang type ni Kaliah." napakunot ang noo ko. "Ha?" tanong ko at tiningnan siya. "She's a lesbian." napasinghap ako. "Totoo?" gulat na

