Chapter 40 Makalipas ang anim na buwan... JEANNA MASAYA ANG naging buhay ko sa pagtuturo. Naging kasundo ko ang mga co-teachers ko at lagi kong nakakasama sina Nanay at Tatay. Matagal rin akong walang communication kina Rona dahil sinadya ko talagang hindi maging active sa social media. Iniwasan ko muna na makibalita sa kanila at nag-focus sa pagtuturo at pag-re-review para sa board exam. Noong nakaraang buwan ay nakapag-take na ako ng board exam for the second time around and hoping na maipasa ko na ito para mas maging proud sina Nanay sa akin. Nakikita ko ang messages nila sa akin pero sinasadya kong hindi i-open kaysa sa buksan iyon at basahin tapos hindi rin naman ako mag-re-reply. Ayaw ko munang makabalita ng kahit na anong puwedeng maka-distract sa akin habang nag-re-review. Da

