Chapter 53 JEANNA ANG BAWAT oras at araw ay mabilis na nagdaan. Isang taon na ang nagdaan nang mawalay nang tuluyan sa amin si Tatay at isang taon na rin akong umiiyak sa tuwing na-mi-miss ko siya. Isang taon na rin ang nakalilipas ngunit walang pagbabago ang mga nakasanayan ni Nanay. Nakangiti at abala sa araw, sa pagsapit naman ng gabi ay ibinubuhos ang lahat ng sakit na natutunghayan ng apat na sulok ng kanilang kwarto at ng unica hija niyang palihim lamang siyang pinagmamasdan. Nakapasa ako sa board exam at ngayon ay pinalad ng makapagturo sa isang pampublikong paaralan. Masugid pa ring sinusungkit ni Tyler ang matamis kong oo at buong pagtitiyaga niyang hinihintay ang araw na maging handa na akong pumasok sa isang romantikong relasyon. Lagi rin akong napupuna ng mga kaibigan

