Chapter 42 JEANNA MAAGANG pumunta sa bundok si Tatay para mangahoy kahit may LPG naman kami. Mas masarap raw kasi ang lasa ng mga pagkain na sa kahoy niluto. Matagal na akong nagsadya ng burner para sana hindi umakyat si Tatay sa bundok para mangahoy. Nag-aalala kasi ako para sa kalusugan niya dahil may edad na rin siya kahit pa ilang ulit na niyang sinasabi na malakas pa raw siya at wala akong dapat na alalahanin. Habang nag-aalmusal ay kinausap ako ni Nanay tungkol kay Twinkle. Matagal rin akong hindi nakaimik nang magtanong si Nanay tungkol sa pag-uwi ko ng hindi siya kasama. Nasanay kasi sila na lagi kaming magkasama ni Twinkle. "Nag-away ba kayo?" tanong muli ni Nanay nang hindi ako sumagot sa unang tanong niya. Napalunok ako ng ilang ulit. "Ah, eh, parang gano'n na nga po."

