Chapter 12: Babysitter & Rousville family ANG MUKHA ko ba ang dahilan kung bakit nagustuhan ako ng batang ito? Kung sabagay hindi na ako magtataka pa. Black na jumpsuit ang suot nito at sa ilalim ay pink na sleeves. May suot siyang malaking headband, kompleto ang suot niyang alahas. Pink na earrings, necklace, bracelet, ring and even wristwatch. Mamula-mula ang magkabilang pisngi nito at natural iyon. Mahaba ang malalantik niyang pilikmata at matangos ang ilong. May kanipisan ang pinkish lips niya. Makinis at maputi ang balat niya. Parang gusto kong pisilin ang cheek niya. “Malaki ang utang na loob namin sa ’yo, hija.” Muling ginanap ng ginang ang mga kamay kong nasa mesa at napalingon ulit ako sa kanya. “If you didn’t save my granddaughter ay baka nasa hospital na kami ngayon.” “Walan

