Chapter 15: Dinner with him HINDI ko mapangalanan ang mga pagkain na pinahanda niya pero sa amoy pa lang ay mukhang masarap na. Limang putahe ang mga iyon. Naglagay siya ng isang pinggan sa tapat ko at nagsalin ng alak sa wine glass. Napatikhim ako nang nagsimula niya akong lagyan ng kanin at ulam sa plate ko. Kailangan talagang asikasuhin pa ako? Samantala, kaya ko naman ang sarili ko? “What is it, Yeebi?” he asked nang mapansin niya ang pagtikhim ko. Naninibago rin kasi ako. Ni minsan ay hindi ko naranasan ang ganitong treatment at sa lalaking ito pa ang gagawa nito na hindi naman ako kilala. Ewan ko ba kung ano ang mayroon sa kanya at palagay rin ang loob ko. Isama mo pa ang walang humpay na pagbilis nang t***k ng puso ko sa hindi malaman na dahilan. Basta ang alam ko rin ay siya an

